Sigaw ng kampo ni Ser Chief: Mukhang pera na kung mukhang pera!
HALOS iisa ang laman ng mga pahayagan ngayon tungkol sa aktor na si Richard Yap, mukha siyang pera dahil umatras siya bilang special guest sa pre-Valentine concert nila ni Ai Ai delas Alas na gaganapin sa Solaire Hotel sa Peb. 12.
Bagama’t inamin naman ni Ms. A na nagkaproblema sa parte ng producer ay hindi pa rin naiwasang batikusin nang husto si Papa Chen or Ser Chief.
Tinanong namin ang handler ni Richard na si Kate Valenzuela tungkol dito, “Technical, Reggs, hindi si Papa Chen ang may problema, ang producer ang may problema,” bungad paliwanag sa amin ni Kate kahapon.
Setyembre pa raw nagkaroon ng negosasyon sina Richard at producers ng show na sina Faith Cuneta at Jacob Fernandez para mag-guest sa pre-Valentine show ni Ai Ai, “They have to follow the contract, Reggs, kasi kung hindi rin lang, bakit pa nagkontrata?
“Ilang beses nangako na magbibigay na ng downpayment, binukas-bukas kami, ‘yung staff ko, ilang oras nila (producer) pinaghintay, tapos nu’ng dumating si Faith wala namang dalang pera, kesyo ganito o ganyan.
Bakit hindi na lang sabihing walang pera, tapos. “Actually, ilang buwan naming hinintay ang pangako nina Jacob, si Faith ang humaharap sa amin, eh.
“Alam naman nina Jacob na Valentine show ito, maraming inquiries for papa Chen, siyempre kung sino ‘yung nagbigay ng downpayment, doon kami, business ito, sabihin na nilang mukhang pera, e, ganu’n talaga.
“Hindi naman sila nakikipag-usap nang maayos, puro bukas-bukas, nakakapagod din. Hindi naman kami bago sa business na ito, ramdam naman namin kung may pera o wala ang producer.
“Saka ang nakakairita pa, nagpagawa sila ng poster at may billboard pa na hindi nila pina-approve sa amin. Ano ba ‘yun? Labas si Ai Ai sa usapan dito, hindi siya ang kausap namin, pero sana naisip din ni Ai Ai kung ano ang protocol, bakit siya pumayag sa ganu’n kaya nga may kontrata, eh.
“Alam din nina Mary Ann (Sta. Ana) ng Backroom, opisina sila kaya alam nila ang dapat, pero bakit parang lumalabas si papa Chen pa ang sinabing inuna ang nagbigay ng downpayment? Ganu’n naman talaga, di ba?
“Nalungkot nga si papa Chen, actually sabi nga niya, nahiya siya kay Ai Ai, magpadala raw ng bulaklak. Pero wala siyang magagawa kasi management descision ito.
“Kinausap na nga nila si sir Deo (Endrinal-manager ni Richard), kaya tinanong ako, ikinuwento ko ang buong istorya, saka nanindigan ako kasi ako naman ang kausap nina Jacob, sa akin naman ang call.
“Kaya Reggee, wala kaming fault do’n, kawawa nga Ai Ai, nagco-prod na siya kasi walang pera ang producer. Sabihin na nilang nasira pangalan ni papa Chen, okay lang, basta sinabi namin ang totoong dahilan.
“Tapos nu’ng nalaman nilang nag-back out na si papa Chen, bigla nilang sinabi nag-deposit na raw sa bangko, okay fine!
“Tsinek namin every minute online, wala naman.
Pinapuntahan ko na sa staff ko sa mismong bangko baka kasi nagloloko ang online, wala talaga. Nag-wait pa kami ng ilang oras baka kasi hindi pa nake-credit ‘yung dineposit, wala talaga. So anong tawag doon?
“So, kami may mali, saan may mali si papa Chen? Pakipaliwanag nga nina Jacob at Faith?” buong kuwento sa amin ng senaryo.
Kaya tumanggap na raw ng ibang commitment si Richard sana raw ay maintindihan ito ng lahat at ng mga manonood ng show na wala sa parte ng aktor ang pagkukulang.
Any feedback from Faith and Jacob?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.