Derek, Jennylyn bida uli sa 'English Only Please part 2' | Bandera

Derek, Jennylyn bida uli sa ‘English Only Please part 2’

Reggee Bonoan |January 29,2015
facebook
share this

Derek, Jennylyn bida uli sa ‘English Only Please part 2’

Reggee Bonoan - January 29, 2015 - 03:00 AM

jennylyn mercado
In fairness, sina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado na ang itinuturing na phenomenal loveteam ng 2014 at 2015 dahil pagkatapos nilang manalo bilang best actor at best actress sa pelikulang “English Only Please” sa nakaraang Metro Manila Film Festival ay sunud-sunod na ang mga proyekto nila.

Isa sa mga ito ay ang offer ng Viva Films na pelikula para kina Derek at Jennylyn at nabanggit nga ito mismo ng aktor nang huli siyang makatsikahan sa presscon ng sitcom ng TV5 na Mac & Chiz.

Kumpirmado na ring may sequel ang “English Only Please” say ni Derek at on the works na raw ito, hindi lang nabanggit ng aktor kung pang-MMFF ito o hindi na.

Speaking of Jennylyn ay biglang naging bisi-bisihan ang aktres dahil nga sa nagsunud-sunod na offer sa kanya for several product endorsements pero ayaw pang banggitin sa amin kung anu-ano ang mga ito.

Pero ang balita namin ang isa raw sa mga ito ay kukunan sa mismong araw ng upcoming pre-Valentine Concert niyang “Oo Na! Ako na Mag-isa! Samahan N’yo Naman Ako” na gaganapin sa Feb. 13 sa SM Skydome.

As of now ay ipinagmamatigasan pa rin ni Jennylyn na wala siyang lovelife at ayaw muna niyang magka-boyfriend. Pero mukhang naglilihim lang ang singer-actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending