Andi pinaamin: Si Jake ba ang tunay na ama ni Ellie? | Bandera

Andi pinaamin: Si Jake ba ang tunay na ama ni Ellie?

Reggee Bonoan |January 29,2015
facebook
share this

Andi pinaamin: Si Jake ba ang tunay na ama ni Ellie?

Reggee Bonoan - January 29, 2015 - 03:00 AM

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

Base sa mga pinaskel nilang litrato sa social media na kuha noong magbakasyon sila sa Singapore kasama ang ilang kaibigan, kitang-kita na maayos na uli ang relasyon ng dalawa matapos magpalitan ng maaanghang na salita nu’ng panahong nagkahiwalay sila.

Sinagot namin ang mga nagtanong ng, “Greatest love raw kasi nila ang isa’t isa, sabi mismo ng kuya Gabby Eigenmann ng aktres.”

Pero iba ang sabi sa amin ng isang source, “Baka naman po totoo ang tsikang si Jake ang ama ng anak ni Andi na si Ellie at hindi si Albie (Casino)?”

Nagulat kami sa tinuran ng kausap namin dahil sa totoo lang, matagal na rin naming naririnig ang tsikang ito pero hanggang ngayon ay wala namang kumpirmasyon mula kina Andi at Jake.

Natuloy ba ang planong DNA testing ni Andi kay Ellie para i-prove kay Albie na siya nga ang tunay na ama ng kanyang anak? Kasi maging si Albie kapag natatanong ng press  tungkol kay Ellie ay dedma pa rin siya.

As in parang wala talaga siyang pakialam sa bata. Ano ba talaga ang totoo Andi girl? Siguro kailangan mo nang harapin ang balitang ito para matigil na ang pagtatanong at pag-iisip ng kung anu-anong malilisyosong isyu tungkol sa inyo ni Jake at pati na rin kay Ellie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending