Dingdong ayaw nang mag-senador, kongreso na ang target sa 2016 | Bandera

Dingdong ayaw nang mag-senador, kongreso na ang target sa 2016

Reggee Bonoan - January 29, 2015 - 03:00 AM

marian rivera
Ayaw pang banggitin sa amin ng aming source kung bakit biglang nagpakasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Panay ang sabi namin sa kanya na hindi naman biglaan iyon dahil matagal na rin silang magkarelasyon at may mga edad na rin sila, panahon na rin para magpakasal sila. “Hintayin mo na lang, magugulat ang lahat, basta may plano at may lilitaw na dahilan,” biting sabi sa amin.

Naloloka kami sa sinabing ito sa amin at same person din ang nagkuwento sa amin noong hindi pa ikinakasal sina Marian at Dingdong na kakandidato ang aktor sa pagka-senador, di ba, bossing Ervin?

At ang next tsika sa amin ay hindi na raw senador ang puntirya ng aktor kundi partylist na dahil pinayuhan daw siya ng tiyuhin niya na mag-concentrate muna sa partylist base na rin sa suggestion ng mga kasosyo nito sa negosyo na siyang susuporta sa kandidatura ng mister ni Dingdong.

Ilang beses nang sinabi ni Dingdong na wala pa sa mga priorities niya sa buhay ang sumabak sa politics, sa mga past interview niya kasi ang lagi niyang nababanggit ay ang kanyang asawang si Marian at ang kanyang YES Foundation.

Pero iyan ay noong hindi pa sila kasal ni Marian.E, ngayon kayang mag-asawa na sila ng aktres, magbago na kaya ang mga sasabihin niya tungkol sa pagtakbo sa 2016 elections?

Kung kami ang tatanungin, pwedeng-pwede namang tumakbo sa darating na eleksiyon ang aktor. Malaki rin ang posibilidad na manalo siya dahil nga sikat siya at kilala ring matulungin.

Pero ang tanong nga lang, masikmura kaya niya ang dumi ng politika dito sa Pilipinas. Hindi naman lingid sa kaalaman natin na hanggang ngayon ay marami pa ring magnanakaw sa ating pamahalaan.

Hindi kaya mabahiran lang ang kanyang malinis na pangalan sakaling mapasabak na nga siya sa larangan ng serbisyo publiko? Yan ang kailangang pag-isipang mabuti ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending