Andi, Jake nagkabalikan na, nahuling magkasama sa Singapore | Bandera

Andi, Jake nagkabalikan na, nahuling magkasama sa Singapore

Reggee Bonoan |January 26,2015
facebook
share this

Andi, Jake nagkabalikan na, nahuling magkasama sa Singapore

Reggee Bonoan - January 26, 2015 - 03:00 AM

andi eigenmann

KASUSULAT lang namin dito sa BANDERA ang interview namin kay Bret Jackson sa nakaraang launching ng mga bagong programa ng TV5 para sa 2015.

Sinabi nitong okay na okay sila ni Andi Eigenmann at sa katunayan ay magkasama sila noong Bagong Taon. Naalala namin ang sagot ng leading man ni Eula Caballero sa Trippin In Love or Fallin In Love episode ng Wattpad Presents sa balitang planong balikan ni Jake Ejercito ang mestisang aktres.

Say ni Bret nang makatsikahan namin kamakailan, “I think that people get that misinterpreted. I don’t think he’ll say that he has a plan to get back with her, he actually need or fear the things he said. But if he does, it’s up to Andi in the end, di ba? It’s up to her, it doesn’t matter kung may plano ka (Jake), it doesn’t mean you’re going to get back together.”

Pawang magagandang salita ang sinasabi ni Bret tungkol kay Andi ng mga sandaling iyon, pero heto, wala pang dalawang linggo ay nag-post na ang aktor sa kanyang Twitter account noong Sabado ng gabi ng, “Liar Liar Pants On Fire at Cheater Cheater Pumpkin Eater.”

Inisip na lang namin na baka eksena ito sa Wattpad episode nila dahil nag-post din siya ng tungkol sa taping nila ni Eula.
Hanggang sa may nagtanong sa amin kahapon kung nagkabalikan na sina Jake Ejercito at Andi dahil nakita raw silang magkasama sa Singapore at nagpa-picture pa kasama ang mga kaibigan.

Sa isang blog site raw naka-post ang nasabing litrato nina Andi at Jake na maski hindi magkasama sa iisang frame ay iisang lugar naman ang background kaya kumpirmadong magkasama ang dalawa.

Napailing na lang kami sa kuwento ng kaibigan namin dahil naalala rin niya ang panayam ni Andi sa Aquino & Abunda Tonight kamakailan na hanggang friends na lang daw sila ni Jake.

Nasulat din namin na textmates na rin sina Andi at ex-girflriend ni Jake na si KC del Rosario at nag-compare notes pa sila tungkol sa ugali ng binata.

Ending, magkasama sa Singapore sina Jake at Andi? Baka naman may show ang aktres at sumama lang ang binata?
Matatandaang nagpunta rin si Jake sa Sinulog Festival sa Cebu kamakailan habang naroon sina Andi at Bret.

Nakakaloka, hilung-hilo na kami sa istoryang Andi at Jake Ejercito, nadamay pa si Bret. Bigla lang kaming naawa sa kanya dahil mukhang hindi siya aware sa pinaggagagawa ni Andi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naaalala tuloy namin ang sabi ng kuya Gabby Eigenmann ni Andi, “Greatest love nila ang isa’t isa kaya maski na mag-away at magkahiwalay sila, naniniwala kami na they will end-up together pa rin.

Kaya kapag nag-aaway sila, hindi na namin pinapansin, sanay na sanay na kami.” Kaya bossing Ervin, masanay na rin tayo ha – na pinaglololoko lang tayo ng mga nabanggit na personalidad sa kuwentong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending