Zanjoe sa pag-aampon: Kaya ko namang gumawa ng baby! | Bandera

Zanjoe sa pag-aampon: Kaya ko namang gumawa ng baby!

Reggee Bonoan |January 25,2015
facebook
share this

Zanjoe sa pag-aampon: Kaya ko namang gumawa ng baby!

Reggee Bonoan - January 25, 2015 - 03:00 AM

zanjoe marudo

Posible kayang mangyari sa tunay na buhay ang role ni Zanjoe Marudo sa Dream Dad na nag-ampon ng baby girl? Sa takbo kasi ng kuwento ng Dream Dad ay aampunin na ni Baste (Zanjoe) si Baby (Jana Agoncillo) dahil napamahal na siya sa bagets.

Natanong si Z sa presscon ng serye nila ni Baby kung may plano siyang mag-ampon na naging honest naman sa pagsagot, kaya naman daw niyang magkaroon ng anak, pero kung kakailanganin ay open naman daw ang aktor sa ideyang mag-ampon.

Sa takbo ng kuwento ng Dream Dad ay paano haharapin ni Baste ang mga responsibilidad ng isang ama ngayong wala pa siyang asawa? Ano ang kanyang gagawin sa oras na bumalik ang tunay na ina ni Baby na si Bebeth (Yen Santos) at bawiin ito sa kanya?

Feel good ang kuwento ng Dream Dad kaya naman nagtala ito sa Kantar Media noong Huwebes (Enero 22) sa national TV rating na 28.6%, o halos dobleng kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na More Than Words (14.5%).

Kaya huwag palampasin ang feel-good family drama series na magpapangiti sa puso ng viewers pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending