ABS-CBN sa nagreklamong contestant ng The Voice 2: Alam niya kung ano ang nangyari!
Malaking katanungan para sa supporters ng The Voice of the Philippines season 2 finalist na si Joniver Robles ang pagkakatanggal niya sa nasabing reality talent search.
Inanunsyo kasi ni coach Bamboo noong Linggo na hindi na maipagpapatuloy pa ni Joniver ang laban niya sa TVOTP.
Say ni Bamboo, “Dahil sa mga hindi inaasahang pagkakataon, I’m sad to announce that Joniver Robles will not be going forward in the competition.
He’s journey on the show ends here today. After much deliberation, napag-usapan ni Joniver at ng programa na it’s best for him not to continue with the show, due to personal reasons.”
Papalitan si Joniver ni Rita na tinalo niya sa knockout round. Maraming hindi makapaniwala sa nangyari at maging si Joniver ay hindi rin alam ang tunay na dahilan kung bakit siya natanggal.
Base sa post niya sa kanyang Facebook account, sinabi niyang naguguluhan siya sa mga nangyari, huli na raw nang malaman niya na tatanggalin siya at wala siyang natanggap na anumang explanation kung bakit.
Sinabi rin niya na baka napolitika siya at ginawan ng mga kasinungalingan.Maraming nagkomnento sa post ni Joniver, may nagsabing may nagawa siyang violation sa programa bagay na sinalag nga ng singer.
“This is for those who are saying I broke some rule or did something para magkaproblema ‘yung show. Post it here. Just make sure your facts are straight and speaks for itself at hindi nabasa nyo lang at narinig kung kanino,” pahayag ni Joniver sa kanyang FB wall.
Tinanong namin ang business unit head ng The Voice of the Philippines na si Ms. Mercy Tolentino, tugon niya sa amin, “Hi Reggee, actually ayaw na naming palakihin pa ang isyu.
Basta ang nangyari when we talked to him, he agreed anuman ang napag-usapan namin at hindi niya kinuwestiyon iyon, wala siyang comment.”
Nasabi naming may post si Joniver sa FB account niya na nagulat nga siya sa pagkakatanggal sa kanya at huwag daw maniniwala sa mga naririnig at maglabas daw ng katibayan kung may nilabag siya sa mga rules and regulations ng programa.
“Oo nga, nababasa naman namin lahat (post ni Joniver), hayaan mo na, basta alam niya kung anong dahilan,” katwiran ni Ms. Mercy.Sa nakaraang People Asia awards night ay natanong si coach Lea Salonga tungkol sa nangyari kay Joniver.
“If it’s got nothing to do with my team, I’m hands off. I’m the wrong person to ask regarding this. You might have to talk to the staff who are in charge of us on The Voice, and then you’ll have to go from there.
If it happened in my team, I’ll have something to say,” sabi ni Lea. Magaling si Joniver kaya natanong kung may panghihinayang si coach Lea na natanggal ito sa kumpetisyon.
“It’s hard kasi it would depend on the circumstances. If it’s something that the show is at fault, then that’s one thing. But if it’s something where the contestant mismo ‘yung at fault, and if they did something wrong, then it’s like sinayang na opportunity. It really depends on what the circumstances are,” ani Lea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.