Nanay ni Kapamilya young actor may malubhang sakit kaya kayod-kalabaw | Bandera

Nanay ni Kapamilya young actor may malubhang sakit kaya kayod-kalabaw

Reggee Bonoan - January 17, 2015 - 03:00 AM

marlo mortel
PURING-PURI ng isang kilalang character actress ang Kapamilya teen actor na si Marlo Mortel na leading man ni Janella Salvador sa bagong serye ng ABS-CBN na Oh My G! dahil napakabait daw na bata at responsable na sa murang edad.

Base sa pagkakakuwento sa amin ng kilalang character actress, “Gusto ko si Marlo, mabait ‘yan. Alam mo ba lahat ng kinikita niya napupunta sa mama niyang maysakit. Pambili ng maintenance nito kasi malubha ang sakit.

Kaya pinagpapala ‘yan kasi alam ng lahat kung gaano siya kabait.  Marunong mag-appreciate maski sa maliliit na bagay.”
Nagulat kami sa kalagayan ng magulang ni Mario – na sa likod pala ng mga ngiti niya’t halakhak kapag napapanod mo noon sa Be Careful with My Heart ay meron pala itong may pinagdadaanan sa kanilang pamilya.

Nabanggit din sa amin na lahat ng raket ay tinatanggap ni Marlo basta kumita lang daw, “Good thing maganda ang boses niya kaya mabenta rin siya sa mga probinsiya.”

Oo nga, narinig nga namin silang kumanta ni Janella sa presscon ng Oh My G! at may boses nga ang bagets, sabi nga namin sa ilang katoto ay kahawig niya si Cesar Montano noong bagets pa ang action star, pareho rin silang moreno.

Samantala, dinenay ni Marlon ang balitang hindi siya gusto ng mama ni Janella na si Jenine Desiderio. Ayon sa binata, “Lumalabas kami kasama yung mom niya. Sobrang close kami.

Nagba-bonding kami minsan. Nagdi-dinner kami outside, and then naglalaro pa minsan sa Timezone kasama pa yung mommy niya.”

Marahil kaya sumasama ang mommy ni Janella sa lakad ng anak at ni Marlo ay para kilalanin ang binata dahil hindi lingid sa kanya na may gusto ang bagets actor sa dalaga niya.

Menor de edad pa si Janella samantalang si Marlo ay 21 na kaya kailangan talagang bantayan pa ang dalagita.Pero say ni Marlon hindi naman siya nagmamadali pagdating sa pagkakaroon ng girlfriend, “Sa ngayon, siyempre priority namin ang career namin.

“But we have this very special friendship na inaalagaan namin sa ngayon and we’re very close. And we’re growing, we’re getting closer. I’m just thankful to have her by my side,” sabi pa ng binatang aktor.

Samantala, hindi itinanggi ni Marlo na overwhelmed siya bilang leading man ni Janella sa Oh My G!. Nagsimula ang loveteam nila ng dalagita sa Be Careful With My Heart, akala nga raw ni Marlo ay hanggang doon na lang ang tambalan nila.

“Sobrang excited kasi this is our first teleserye na kami na yung topbill ni Janella. So, excited na kaming patunayan kung ano ba yung meron kami and be a role model to all the people who are gonna watch our show.

So, thank you, thank you,” masayang sabi ng bagitong aktor. Sabi pa nito, “This show is gonna show to people that God is always here for you. Kasi sa panahon ngayon ng mga teenagers, medyo nawawala na sa priorities nila si God.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

And dito, ipapakita namin na dapat number one priority pa rin natin si God dahil si God, hindi ka Niya kailanman iiwan.”
Samantala, mapapanood na ang Oh My G! sa Lunes, 10:30 a.m. bago ang It’s Showtime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending