Piolo gusto nang magkadyowa at magka-baby
Kinlaro na ni Piolo Pascual ang tungkol sa tsikang hindi niya tunay na anak si Iñigo Pascual kundi anak daw ito ng ate niya.
“How sad. Sa kanila na, sa kanila na ‘yung bata, hindi ko na kailangang i-prove ‘yun.
I mean, you know, that answer had been dealt with, hindi na kailangang (sagutin).“Pathetic naman ‘yun, manggagamit ka ng tao, hindi na kailangang patulan ‘yung mga ganu’n,” nakangiti pero halatang nairitang aktor.
Lahat daw ng isyu sa kanya ay hindi na apektado si Piolo, huwag lang daw madadamay ang anak niya, “I’ve been dealing with it more than 10 years, ngayon pa ba? Papatulan ko pa ba ‘yang mga ganu’n, eh umabot na nga sa kung anu-anong issue. Hindi na,” katwiran ni PJ.
Sabi pa, “He’s very positive. Alam naman niya kasi na may mga tao talaga na may magtatanong, and what’s important is what we have. So, okay naman ‘yung bata, hindi siya showbiz at hindi rin siya naniniwala o nakikinig sa ibang tao.”
Samantala sa edad na 38 ay halos nakamit na ni Piolo ang lahat ng pangarap niya sa buhay, kaya ang wish niya noong kaarawan niya ay para kay Iñigo.
“Hindi kasi madali ang pinasukan niya, akala niya kasi, nakikita niya ako, ganu’n lang kadali ‘yun, ‘di ba? So, ang wish ko lang, ang prayer ko lang, huwag niyang makalimutan ‘yung pinag-usapan namin, huwag niyang kalimutan ‘yung core niya.
“Di ba kasi, once na ma-corrupt na ‘yan, once na maka-experience na ng success, fame, money, adulation, baka pumunta sa utak, eh.“So ‘yun lang ang pine-pray ko.
Na huwag niyang kalimutan ‘yung pinagsimulan,” katwiran ng aktor. Paano naman ang personal na buhay niya, kelan siya mag-aasawa?
“He (Iñigo) turns 18 this year and I still have two more years before I turn 40, so I guess, it will come at a right time. “Gusto ko sana, this year pero I promised my son because lumaki siya sa States, hindi ko nabigyan ng oras, so every chance that we get to spend time with each other, mas gusto ko itutok sa kanya para at least, kung anuman ‘yung pagkukulang ko sa kanya during the last few years na hindi ko siya kasama, bago man lang siya mag-18, magawan ko ng paraan,” say ni Piolo.
Tinanong namin si Piolo kung halimbawang mag-asawa siya ay hindi ba siya maaalangan na mag-alaga ng sanggol, “Gusto ko, kasi hindi ko naman naranasan ‘yun sa anak (Iñigo) ko, eh.
Hindi siya lumaki sa akin, so gusto kong maranasan ‘yun.” Ayaw daw ni Iñigo na nasa edad 20s ang makatuluyan ng ama, “Wala siyang magagawa, ako naman ang makikisama, same thing na kung sino rin ang gustuhin niya ay hindi rin ako makikialam,” diretsong sabi ni Piolo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.