Andi kinaibigan ang ex-dyowa ni Jake Ejercito | Bandera

Andi kinaibigan ang ex-dyowa ni Jake Ejercito

Reggee Bonoan - January 13, 2015 - 03:00 AM

jake ejercito
ANO kaya ang masasabi ni Jake Ejercito kapag nalaman niyang textmate na ang dalawang babae sa buhay niya na sina Andi Eigenmann at KC del Rosario?

Magugulat din kaya siya tulad ng pagka-shock namin nang ikuwento nga ito kahapon ng isang source habang tinatapos namin ang kolum na ito.

Bungad sa amin ng taong malapit sa dalawang babaeng na-link kay Jake, “OMG! I really don’t know what to say, but this is really nakakaloka, textmates sina Andi and KC like they were sharing stories with each other regarding Jake.”

Ito ang pambubuking sa amin ng nasa kabilang linya at nabanggit pa nito sa amin naniniwala siyang hindi pa seryoso si Jake sa pakikipagrelasyon dahil nga nagbibilang pa ito ng girlfriend.

Ayon sa kuwento ay basta na lang daw nawala si Jake sa buhay ni KC na parang wala lang at hindi man lang daw nakipag-usap ang binata para magpaliwanag.

Nabanggit pa na pinayuhan nga ni Andi si KC na asikasuhin na lang nito ang sarili at huwag nang magpadala pa sa mga matatamis na salita dahil siya raw ay nagising na at kung sakaling magkrus ang landas nila ni Jake ay hanggang kaibigan na lang daw muna.

As of now ay naikumpara raw ni Andi si Bret Jackson kay Jake na malayung-malayo ang ugali na sinang-ayunan naman ito ni KC.

Samantala, natsika naman ng isang kaibigan ni Jake na plano raw niyang balikan si Andi at magseseryoso na kapag binigyan uli siya ng chance dahil napatunayan daw ng binata na sobrang mahal niya si Andi.

Susme, kung talagang mahal ni Jake si Andi, hinding-hindi niya sasaktan ang aktres maski na anong mangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending