Vina umamin: Hindi kami close ni Mariel! | Bandera

Vina umamin: Hindi kami close ni Mariel!

Reggee Bonoan |December 23,2014
facebook
share this

Vina umamin: Hindi kami close ni Mariel!

Reggee Bonoan - December 23, 2014 - 03:00 AM

robin padilla
Normal lang daw na magselos si Mariel Rodriguez kay Vina Morales, ayon mismo kay Robin Padilla. Magkatambal kasi sina Binoe at Vina sa “Bonifacio” kaya hindi maiiwasang ma-link uli ang dating magkasintahan.

“Parang mahirap sabihing oo at sabihing hindi. Siyempre tao ‘yun at mahal na mahal ako nu’n, at mahal na mahal ko din naman siya. Pero siyempre sa mga usapin na ganito, nasa loob po tayo ng mundo ng entertainment.

Nandito tayo para paligayahin natin ang mga tao na nalulungkot,” paliwang ng action star sa The Buzz noong Linggo.
Muli ring nilinaw ni Robin ang tungkol sa hindi pagbaba ni Mariel sa kanilang sasakyan dahil kay Vina, “Rule naman na namin ni Mariel ‘yun na kapag nandiyan ‘yung leading lady ko sa isang proyekto, hindi talaga siya bumababa, hindi siya nagpapakita.”

“Sa shooting nga namin hindi siya nagpunta bagama’t siya ‘yung unang nagsabi na gusto niya si Vina Morales ang gumanap na (asawa ko),” dugtong pa ng aktor.

Ayon naman kay Vina, gusto rin niyang makilala ang husto si Mariel, hindi raw kasi sila nabigyan ng chance na mag-bonding habang ginagawa nila ni Robin ang “Bonifacio”.

“Yes nakilala ko na siya, I know her. But we never had the chance na maging close. Kung isasama mo siya at nandoon ako, eh ‘di ipakilala mo siya sa akin,” ani Vina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending