Iñigo Pascual hahataw sa 2015; may serye na, may pelikula pa | Bandera

Iñigo Pascual hahataw sa 2015; may serye na, may pelikula pa

Reggee Bonoan |December 22,2014
facebook
share this

Iñigo Pascual hahataw sa 2015; may serye na, may pelikula pa

Reggee Bonoan - December 22, 2014 - 03:00 AM

julia barretto
Binigyan na ng basbas si Iñigo Pascual ng kanyang magulang na sina Piolo Pascual at nanay nitong si Donna para tuluyan nang pasukin ang showbiz.

Kamakailan lang ay nakipag-meeting na ang magulang ni Iñigo kay Cornerstone President Erickson Raymundo na siyang magma-manage sa karera ng binatilyo. Napag-usapan daw ang lahat ng plano sa bagets sa buong 2015.

Bongga kaagad ang career ni Iñigo dahil sila ni Julia Barretto ang bibida sa buwena manong handog ng Wansapanataym sa pagpasok ng Enero, 2015 at nalaman namin na si Julia na ang magiging permanenteng ka-loveteam ng binatilyo, ayon na rin sa desisyon ng ABS-CBN.

Maganda raw ang feedbacks sa dalawa matapos ipalabas ang unang pagtatambal nila sa Maalaala Mo Kaya kamakailan bukod pa sa mataas ang rating na nakuha nito kaya naisip ng management na sina Iñigo at Julia na lang ang pagtambalin.

Hindi naman ito tinanggihan ng magulang ni Iñigo basta ang hiling lang nila sa bagets ay tapusin muna nito ang high school bago mag-full time sa showbiz.

Sabi naman ni Erickson, marami ng offers sa anak ni Piolo pero hindi muna nila lahat maa-accommodate dahil dapat one at a time lang para may panahon pa rin ang binata sa pag-aaral.

Sa 2015 na rin mapapanood ang ikalawang pelikula ni Iñigo kasama si Julia handog ng Viva Films kung saan makakasama rin nila sina James Reid at Nadine Ilustre.

Speaking of Piolo at nanay ni Iñigo na si Donna, nalaman namin na nag-uusap lang ang dalawa basta’t may kailangang ayusin sa anak nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending