Krista type magbalik-showbiz pero hinaharang | Bandera

Krista type magbalik-showbiz pero hinaharang

Reggee Bonoan |December 21,2014
facebook
share this

Krista type magbalik-showbiz pero hinaharang

Reggee Bonoan - December 21, 2014 - 03:00 AM

krista ranillo
Mukhang matatagalan bago bumalik sa showbiz ang dating aktres na si Krista Ranillo.

Base sa obserbasyon namin sa kanya nang makita namin sa pa-dinner ng asawa niyang negosyante na si Nino Lim para sa Atayde family na ginanap sa Lawry’s Prime Rib sa Beverly Hills, California noong Lunes ay masayang-masaya ito sa kanyang buhay.

Inamin ni Krista na nami-miss niya ang showbiz at gusto rin niyang bumalik pero mukhang malabo pa sa ngayon dahil masaya raw siya sa piling ng asawa’t tatlong anak kasama ang magulang niya at kapatid.

Nakasama rin sa dinner ang buong pamilya ni Krista sa pangunguna ng amang si Mat Ranillo III, ang kanang mommy at kapatid. Umamin din si Matt na sobrang nami-miss na niya ang showbiz, sa katunayan may mga offer sa aktor pero hindi niya ito matanggap kaya’t napupunta ang role kay Tirso Cruz III.

Mukhang kuntento na si Krista sa estado ng buhay niya ngayon dahil maganda at seksi pa rin ang aktres, hindi halatang nakatatlong anak na sila ng asawang si Nino.

At tumutulong din si Krista sa negosyo ng asawa na may-ari ng lahat ng Island Pacific Supermarket na pawang Pilipino products ang paninda at maraming sangay sa iba’t ibang panig ng Amerika.

Guwapo ang mga anak na lalaki ni Krista kaya tinanong namn kung papayagan nilang mag-showbiz ang mga bagets, ang sabi ng daddy nila, “Hindi, maga-aral sila at magne-negosyo.”

Mukhang istriktong tatay ang asawa ni Krista dahil bantay sarado ito sa anak nilang babae at sabay birong, “Nakakahinayang, aalagaan mo, tapos liligawan lang, kaya hindi puwede.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending