Geoff ayaw nang makita si Carla: Wag na! | Bandera

Geoff ayaw nang makita si Carla: Wag na!

Ervin Santiago |December 06,2014
facebook
share this

Geoff ayaw nang makita si Carla: Wag na!

Ervin Santiago - December 06, 2014 - 03:00 AM

carla abellana
ILANG pounds pa ang kailangang i-burn ni Geoff Eigenmann bago bumalik sa kanyang ideal weight. Pero in fairness, napakalaki na nang ipinayat ng Kapuso actor ngayon.

Nakachikahan namin si Geoff kasama ang ilan pang members ng entertainment media sa Christmas party for the press ng PPL Entertainment ng ating kaibigang si Mr. Perry Lansigan talent management ni Geoff) the other day at dito nga niya sinabi na patuloy niyang kinakarir ang pagpapaganda uli ng katawan.

Ito’y bilang paghahanda na rin sa next teleserye niya sa GMA 7, ang drama series na Kailan Ba Tama Ang Mali? kung saan makakasama niya ang dating Kapamilya actress na si Empress, sina Max Collins at Dion Ignacio.

Single pa rin ngayon si Geoff pero aniya, hindi siya naghahanap ng bagong girlfriend, ang focus niya ngayon ay ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya. Pero lumalabas-labas naman daw siya paminsan-minsan kasama ang barkada.

Sey pa ng Kapuso leading man, medyo mahirap daw buksan ang puso niya uli dahil sa nangyari sa kanila ni Carla Abellana, pero aniya, naka-move on na siya sa nangyari sa kanila ng ex-GF at nagpapakaligaya muna siya ngayon sa pagiging single.

Paliwanag ng binata, “Kasi kung magpapakatanga ka at iiyak ka lang diyan, it’s not the answer, talo ka lang. So, you have to move forward, ayusin mo ang sarili mo, kasi single ka na, kaya lahat ng gagawin mo ngayon, para sa iyo na, for your future.

It’s just a matter of waking up every morning and thinking positively and doing what you have to do for yourself.” Dugtong pa niya, “Eversince the break-up, I’ve already focused on myself, ginagawa ko yung mga gusto kong gawin, like sports, travelling, marami akong nagagawa ngayon na hindi ko nagagawa before, like joing sports competition, kasi wala na akong masyadong iniisip ngayon, hindi na dalawang pamilya, ang focus ko lang ngayon, sarili ko and my family.”

Tinanong namin siya kung may trauma ba after the break up? “On my part, honestly wala. I’ve accepted the truth, maybe people have their own beliefs about it, kung anu-ano ang sinasabi nila against me, pero ako, wala talaga (trauma).

I know the truth naman kasi and I’m sticking to that,” ang makahulugan pang sabi ni Geoff. Ano ang realization mo sa mga nangyari sa inyo ni Carla? “Alam ko on my part may pagkakamali rin ako, hindi ko naman sinasabing one sided lang, but the way things happened, it wasn’t supposed to be that way, e, for me, it could have gone better kasi lahat naman ng bagay pwedeng pag-usapan nang maayos.

And all this time I’ve kept quiet about what happened, now nagsasalita ako kasi, wala na, e, tapos na, it’s all in the past. I’ve moved on, at hindi na siya problema sa akin, it was never a burden on me actually.”

Paano kung magkita uli kayo ni Carla? “Ang sa akin, better kung hindi, kasi out of sight, out of mind, hindi mo makikita, hindi mo maiisip. Hindi mo siya poproblemahin.

I’m not saying na pag nagkita kami, magiging problema, pero better kung ganu’n na lang.” Nagalit ka ba kay Carla? “I guess so, I guess you could say that, siyempre, kami yung nasa relasyon e, kami yung nagkaproblema noon, but it’s all in the past.

So move on na.” Ano yung feeling na may namba-bash pa sa iyo kahit hindi ka na nagsasalita about the break-up? “Nasusundan n’yo naman ang Instagram ko, nandu’n lahat ng nasa loob ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Minsan pumapatol din ako sa bashers. Mali ang sumagot pa, yes, pero it’s the only way I can defend myself, kasi minsan, below the belt na. Okay lang kung ako ang tinitira nila, e, pero ang idamay na pati family ko, sobra na ‘yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending