Kasalang Pauleen-Bossing di na matutuloy sa 2015 | Bandera

Kasalang Pauleen-Bossing di na matutuloy sa 2015

Reggee Bonoan |November 28,2014
facebook
share this

Kasalang Pauleen-Bossing di na matutuloy sa 2015

Reggee Bonoan - November 28, 2014 - 03:00 AM

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

Itinanggi naman nina Bossing Vic at Pauleen ang balitang magpapakasal na sila next year. Pero ayon sa balita, binigyan na sila ng blessing ng parents ni Pauleen.

“Another press conference for that. Wala pa,” ani Bossing na inayunan naman ni Pauleen, “Wala pa po naman.”

Hirit pa ng TV host-comedian, “Hindi ko nga alam bakit sila naiinip. Kung kami nga hindi naiinip sila naiinip.”

Para naman kay Pauleen, wala sa kanya ang pressure ng kasal kundi nasa boyfriend niya, “Ako I am just thankful na ako ngayon lang natatanong ng ganito kasi siya matagal-tagal nang natatanong ng ganito. Mas pressured siya, less pressure on me.”

Pero nang tanungin kung sa tingin niya ay si Vic na ang lalaking para sa kanya, “I guess I can say that, oo. Wala namang problema ang pamilya ko.”

Samantala, maayos na rin daw ang relasyon niya sa mga anak ni Bossing, “Hindi ko lang po siguro ipinilit ‘yung sarili ko, I just let things happened on their own. Hindi ko po pinwersa ang sarili ko sa kanila.”

Bukod dito, boto rin sa kanya ang ex-wife ni Vic na si Dina Bonnevie, “That’s nice to know. Natutuwa ako coming from his ex.”

Dagdag pa ng TV host-actress, kung may isang bagay daw siyang natutunan sa relasyon nila ni Bossing ito ay ang pagiging mapagbigay, “I learned to be selfless in this relationship so I guess ‘yun na po ang pinaka (meaning) ng true love. And siguro I can say na at this point I’m very contented and I don’t think mayroon pang mas gaganda doon sa lugar at feeling na ‘yon.”

Kitang-kita naman ang kaligayahan sa mukha nina Vic at Pauleen, patunay lang na maayos na maayos nga ang kanilang relasyon. Napansin din namin, hindi masyadong maingay ang kanilang lovelife kaya siguro walang masyadong intriga o tsismis sa kanila.

Kaya marami ang umaasa na sa kasalan na ito mauuwi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending