Jed Madela hugas-kamay sa pagtawag ng 'UNGGOY' sa mga Taga-CDO | Bandera

Jed Madela hugas-kamay sa pagtawag ng ‘UNGGOY’ sa mga Taga-CDO

Reggee Bonoan - November 19, 2014 - 03:00 AM

jed madela

KASALUKUYAN kaming nasa Edsa Shangri-La Mall noong Lunes ng gabi nang makatanggap kami ng mensaheng, “Watch mo AA (Aquino & Abunda Tonight) mamaya, nag-deny si Jed Madela sa sinulat mong taga-CDO ang sinabihan niyang bunch of monkeys.”

Paalis na rin naman kami ng mall ng mga oras na iyon kaya’t inabot pa namin ang programa nina Boy Abunda at Kris Aquino at napanood  namin ang panayam kay Jed tungkol sa nasabing isyu.

Ang sinulat namin dito sa BANDERA noong Nob. 11 (Martes) ayon na rin sa panayam namin kay Jed noong Nob. 10 ng umaga sa cellphone na sadyang itineyp namin, “na-misinterpret po ‘yung post ko, I was referring po sa staff ng Cagayan de Oro airport kasi we’re on our way to Manila at lahat nagmamadali, hindi maayos ang check in nila, sobrang higpit na hindi mo maintindihan.

Nataon po kasi na nai-post ko ‘yan, nasa studio na ako.”  Ito ang paliwanag ni Jed sa amin nang banggitin namin kung mga taga-ASAP ang sinabihan niya ng “bunch of monkeys”.

Sa bandang huli ng panayam kay Jed ay nabanggit niya na may mga gumagawa lang daw ng isyu sa kanya para masira siya sa mga taga-CDO dahil sa katunayan ay ang babait daw ng mga tagaroon dahil sa magandang response sa kanya ng mag-guest siya sa concert ni Lani Misalucha.

Nasulat din namin noong nakaraang Nov. 14 na may titulong “Jed, Dapat Hatulan ng Persona Non Grata” ay may tumawag sa aming taga-CDO airport at nag-react sa sinabi ni Jed na tinawag silang mga unggoy. Para sa mga hindi nakabasa ito po ang sinulat namin.

“Sobra naman si Jed sa sinabi niyang bunch of monkeys kami dito sa airport, ano ba tingin niya sa sarili niya?  Maski VIP, lahat dumadaan dito at tulad din ng ginawa sa kanya.

Maraming pasahero kada weekend kaya matagal ang check-in. Saka talagang ini-inspect for their own safety din. “Kung ganyan din lang siya, huwag na siyang pumunta ng Cagayan De Oro, hindi namin siya kailangan dito.

Maraming sikat na artista at singers na pumupunta rito pero hindi kami tinawag na mga unggoy. Maski na naiistorbo namin sila para magpa-picture, naka-smile pa rin sila.

“Ganu’n talaga kapag mga taga-probinsiya, nagpapa-picture sa mga artista at singers kasi hindi naman kami nakakapunta ng Maynila,” litanya ng aming kausap.

Nabanggit pa nito (airpot staff) na ipararating daw nila ang sinabi ni Jed sa kanilang Mayor para isyuhan ng persona non grata ang singer.

Malinaw ang pagkakasulat na ipaparating palang sa kinauukulan ang ginawa ni Jed, pero mariin na niya itong itinanggi sa panayam niya sa A&A at hindi raw totoong may ganu’n isyu sa kanya at gawa-gawa lang daw ito ng taong may matinding galit sa kanya at nabanggit pa niya na ‘yung pagtawag niya ng bunch of monkeys ay referring to a certain person? Paano naging bunch of monkeys ang isang tao, bossing Ervin?

At bago matapos ang panayam ni Jed sa AA ay nagsabi siya ng, “let’s practice responsible journalism” bagay na ikinairita namin dahil kami ang unang nagpaputok ng isyung ito.

Pagkatapos naming mapanood ang interbyu ni Jed ay tinext namin siya, “Gud pm Jed, noong nag-usap po tayo ay naka-tape po tayo ng sinabi mo po na ang mga tao sa CDO airport ang tukoy mong bunch of monkeys dahil dininay mo po ang ASAP staff.

Sana po ‘wag n’yo naman i-deny kasi naging maayos naman po ang usapan natin at kinuha ko ang side n’yo re the issue.  I’m doing my job the best I can, I hope you do yours, too. Thank you very much.”

Sumagot naman kaagad si Jed, “Hi Reggee. The problem is that someone generalized everything saying that I was referring to the ‘people of CDO’.  That is a whole new different thing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

I never said that it was the people of CDO, I referred to some people I dealt with at the CDO airport.”  Sinabi namin na tungkol nga sa staff ng CDO airport ang sinulat namin at hindi ang buong taga-CDO, “It’s not your fault.

I’m sure other writers are feasting on the issue and have twisted the facts.”  (May kaibahan ba yun? Hugas-kamay lang siya dahil natakot na siya sa banta ng persona non grata! – Ed)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending