Zanjoe: Si Bea na ang huling babae sa buhay ko! | Bandera

Zanjoe: Si Bea na ang huling babae sa buhay ko!

Reggee Bonoan - November 16, 2014 - 03:00 AM

zanjoe marudo
PARA kay Zanjoe Marudo ay si Bea Alonzo na ang huling babae sa buhay niya. Ito ang ipinahayag ng aktor sa presscon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Dream Dad kung saan gaganap uli siyang isang tatay.

“Wala naman akong ano o nag-iisip nang magdya-jump pa sa iba pagkatapos ng relasyon namin. “Mas iniintindi ko na lang ngayon kung paano siya magwo-work, paano siya magiging masaya hindi ‘yung, ‘Ayoko na, ayoko na, hanap na lang ako ng iba.’ Walang ganu’n (akong iniisip).

Mas importante sa akin ngayon kung paano kami mas magiging masaya hanggang sa pagtanda namin,” ang dagdag na paniniguro pa ng aktor na nagdenay na nga sa isyung hiwalay na sila ni Bea.

Sabi pa ni Zanjoe,  importante talaga sa isang relasyon ang open communication para mag-work ang pagsasama at isa pa, huwag na huwag magpapaapekto sa mga intriga, “Kailangan talaga mag-usap, ang importante naman doon talaga ay mahal n’yo ang isa’t isa kahit na anong isyu pa, ano pang balakid ang dumaan diyan, hindi kami (apektado), kami lang ang magkakampi dito, kaming dalawa lang ang dapat magdesisyon para sa aming dalawa,” ani Zanjoe.

Samantala, apat na buwan pala inabot ang audition sa paghahanap ng gaganap na “anak” ni Zanjoe sa seryeng Dream Dad na magsisimula na sa Lunes. Napunta nga ang role sa child star na si Janna Agoncillo.

Ayon kay Ms. Ginny Ocampo, “Kaya po matagal kasi feeling namin, very crucial ‘yung role sa Dream Dad at nagpapasalamat kami kay Zanjoe kasi ang tiyaga niya talaga, hangga’t maaari nandoon siya para sa look test at ‘yung chemistry.

“Actually nu’ng nakita ko pa lang siya sa (McDonalds) commercial niya, na-excite na ako. Do’n palang, sabi ko na, ‘wow, ang cute naman ng batang ito.

“Excited ako sa project kaya kahit anong look test na ipagawa basta’t libre ako basta para sa show, okay ako, kasi sa kaka-audition, minsan inisip ko baka ako pa ‘yung mapalitan,” natawang kuwento ng aktor.

At ang nakita ni Zanjoe kaya napili si Janna bilang anak niya sa Dream Dad, “Nakikita ko na magiging tandem namin ni Janna kasi napaka-cute ng batang ito. Natural siyang umarte at napakagaling niyang mag-deliver ng lines,” say pa ni Z.

Makakasama nina Zanjoe at Janna sa Dream Dad sina Maxene Magalona, Beauty Gonzales, Yen Santos, Ana Feleo, Katya Santos, Ketchup Eusebio, Ariel Ureta at Gloria Diaz mula sa direksyon ni Jeffrey Jeturian.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay nakatanggap kami ng mensahe na hindi ang Dream Dad ang kapalit ng Pure Love kundi ang Bagito ni Nash Aguas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending