Jed Madela uminit ang ulo, tinawag na mga unggoy ang Staff ng ASAP?
Wala nga bang utang na loob si Jed Madela sa ASAP? Kaya namin ito naitanong ay dahil nakatanggap kami ng mensahe kahapon ng umaga ng, “Jed Madela walang utang na loob sa ASAP.”
Kasabay din nito ang text message na nag-post daw ng mensahe ang singer sa kanyang Facebook account at tinawag ngang “bunch of monkeys” ang mga taga-ASAP.
Mabigat na paratang ito kaya kaagad naming tiningnan ang FB account ni Jed at nakita nga namin doon ang post niyang, “Nothing’s changed. Same old sh**! I’ll just smile and imagine I’m dealing with a bunch of monkeys.”
May nag-comment naman sa mensahe ni Jed ng, “Oh no, uminit na naman ulo mo Jed Madela. Hahahaha. Ignore those monkeys na lang.”
Na sinagot naman ni Jed ng, “Nakakawalang gana nga eh. Haaaayyy ganun ang ‘welcome back’ na walang kwenta. Hahahahaha. tawa na lang at gaguhan. Hahahaha.”
Tinanong namin si Jed tungkol dito, ang paglilinaw niya, “Ang saya-saya nga po naming lahat sa ASAP kahapon (Linggo) kasi after a month lang kami nagkita-kita kasi nag-out of the country kaming lahat.”
Binalikan namin ang nag-text sa amin na itinanggi ni Jed ang isyu, hindi raw taga-ASAP ang tinawag niyang bunch of monkeys. “Pinost niya ‘yun nasa ASAP siya, rehearsal ‘yun,” giit nito.
Aniya pa, “Sa band rehearsal kahapon (Linggo) before 12 noon, hinihingi ni Jed ‘yung lines ni Yeng (Constantino) na biglang umabsent kasi maysakit, so silang tatlo na lang nina Erik Santos at Angeline Quinto ang natira sa production number nila.
“Hindi pumayag ang taga-ASAP since ‘yun lang daw ang prod ni Angeline, samantalang sina Erik at Jed ay may second prod pa na after Yolanda song. After that, lumabas na ‘yung post niyang, ‘dealing with bunch of monkeys again.’”
Ang paliwanag ni Jed dito, “Na-misinterpret po ‘yung post ko, I was referring po sa staff ng Cagayan De Oro airport kasi we’re on our way to Manila at lahat nagmamadali, hindi maayos ang check in nila, sobrang higpit na hindi mo maintindihan.
Nataon kasi na nai-post ko ‘yan, nasa studio na ako.” Itinanggi rin ni Jed na hinihingi niya ang linya ni Yeng, “Di po totoo ‘yun, sila (ASAP) po nagdi-divide ng mga lines ng songs namin and we work around it,” katwiran ng singer.
Binanggit namin ang mga paliwanag ni Jed sa nagpadala ng mensahe pero sabi niya, narinig niya lahat ang pinag-usapan dahil nandoon siya.
Dagdag pa ng nag-text sa amin, “Problem with him, mahilig siyang dumaldal kung kani-kanino hindi naman niya mapanindigan. Ide-deny niya.”
Marami pang kuwento ang aming source, kaya itutuloy namin bukas ang isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.