Juday: Yung naipon naming barya ni Ryan ang pang noche-buena namin! | Bandera

Juday: Yung naipon naming barya ni Ryan ang pang noche-buena namin!

Reggee Bonoan - November 08, 2014 - 03:00 AM

judy ann santos
Gustong mapanood ng mga anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang horror movie ng TV host-actress na “T’yanak”, pero hindi alam ni Juday kung papayagan ba niya ang mga bagets.

“Gusto niya (Yohan) mapanood, e hindi ko alam kung paano, okay lang naman kasi hindi naman madugo ‘yung pelikula, it’s a love story of a mother and child at nakikita naman nila ‘yung trailer sa Instagram ko, sa camera sa phone ko, so napapanood nila at nagwo-wonder si Yohan kung ano ba ‘yung tiyanak, even si Lucho nagtatanong, ‘Why is there a tiyanak, why does he kill?’ may mga ganu’n, so gusto kong mapanood muna ni Yohan, si Lucho baka hindi pa niya makuha na may iba akong baby na nagiging tiyanak,” paliwanag ni Juday.

May panghihinayang si Juday sa “T’yanak” dahil hindi raw ito na-promote nang todo pero masaya na rin siya dahil magaganda ang reviews sa movie nila.

Ang “T’yanak” ay isa sa kalahok sa ginanap na Sineng Pambansa Horror Film Festival na nagsimula noong Okt. 29 at nagtapos noong Nob. 4, “It could have been better, earn more, mas marami pa sanang taong nakapanood if it was shown (more theaters), if it was extended on a regular cinema.

Sayang kasi, ang daming magagandang entry.  “Dapat pag Christmas, happy lang kasi Pasko. It’s either drama or fantasy kasi you’re catering for kids, sana lang mas na-plug properly, mas na-hype, nagkaroon ng parade kung paano naituturing ang bawa’t festival.

Sana kung may next time, lesson learned, sana mas mapaganda pa sa susunod na events,” katwiran ng aktres. Samantala, sa nalalapit na Kapaskuhan at Bagong Taon ay may usapan na sina Juday at Ryan, ang mga naipon nilang barya ang gagamitin nila sa panghanda.

“Nagbilang nga kami ng mga loose change na naipon, mga naiiwan sa bag namin, inilalagay namin sa alkansiya, sabi ko, ‘magkano man ‘yung kinalabasan nitong alkansiya, iyon ang pang-Noche Buena at Media Noche namin.

So nakakuha naman kami ng mga P20,000 plus, may kasamang bills naman,” sabi ng maybahay ni Ryan. Ilang taon din daw naipon ng mag-asawa ang mga barya na sinimulan nila noong mag-boyfriend-girlfriend palang sila.

Samantala, nai-stress na raw si Juday sa pag-iisip kung ano ang ireregalo niya kay Ryan sa Pasko, “‘Yan ang problema naming mag-asawa pagdating ng Pasko kasi hindi mo alam kung ano talaga ‘yung magiging hobby niya at that time, so normally ang Christmas gift namin sa isa’t isa, nangyayari mga three days before saka palang namin naiisip kung ano,” pahayag ng aktres.

Samantala, tinanong namin kung may plano pa siyang magteleserye dahil tingin namin sobrang enjoy na siya sa hosting, “Next year pag maluwag-luwag kasi hindi ko kayang gumawa talaga ng dalawang shows at the same time.

“Nag-pitch na ng project sa akin ang ABS, hindi palang ma-push through ng last quarter ng taon because of I Do and Bet On Your Baby plus may ‘T’yanak’ pa. So, talagang puno ang schedule.

So, kung teleserye, teleserye lang muna,” ani Budaday. Tinanong namin kung ano ang mas malaki ang bayad, teleserye o game show, “Parang pareho lang kasi per taping naman ‘yung bayad namin dito, so mas mahirap lang ang teleserye.”

Samantala, nagbigay ng clue si Juday tungkol sa tema ng bagong serye niya, “Basta it’s about housewife na how to protect your family, paano mo poprotektahan ‘yung relasyon ng husband.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Doon tatakbo ang istorya at gusto ko talaga, sabi ko, akin lang ‘yung show na ‘yun,” pambibitin ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending