Juday: Parang sinisilihan ang pwet ko! | Bandera

Juday: Parang sinisilihan ang pwet ko!

Reggee Bonoan - November 07, 2014 - 03:00 AM

RYAN AGONCILLO AT JUDY ANN SANTOS

RYAN AGONCILLO AT JUDY ANN SANTOS

MARAMI ang humahanga sa tahimik at maayos na pagsasama bilang mag-asawa nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Napapanatili kasi nilang pribado ang kanilang married life kaya walang masyadong intriga sa kanila.

Sa presscon ng reality series ng ABS-CBN na I Do na malapit nang magtapos, tinanong ang host ng programa kung ano nga ba ang sikreto nilang mag-asawa?

“Siguro, kasi kami ni Ryan, when it comes to dealing with personal issues, it was an issue between me and him, it was never an issue between me and people.

“‘Yun ‘yung pinaka-sagrado talaga sa amin kasi parang sa amin, mas gusto naming maging inspirasyon kami sa mga tao. Lahat naman ng couples may pinagdadaanan, husband and wife o mag-boyfriend/girlfriend palang.

“Lahat naman ay may pinagdadaanan na parang gusto nang maghiwalay, there was never an option to us to separate not because of the kids but because we believe that what we have, the love that we have, the relationship that we have na ipinundar naming dalawa and I can say that at this point in time of our relationship, we are really enjoying with each other, we respect each other’s time, we value each others company. Parang bumalik ulit kami sa boyfriend-girlfriend stage,” pahabang paliwanag ng TV host-actress.

Samantala, kapansin-pansin na magaling na talagang TV host si Judy Ann at aminado naman ang aktres na malaki ang kontribusyon ng asawa niyang si Ryan sa kanyang hosting job.

Sa tanong kung nakakapanood ba si Ryan ng mga programang hino-host niya tulad ng I Do at Bet On Your Baby, “Mga 10 minutes na pinapanood ko siya. Ha-hahaha! Hindi niya nasusubaybayan kasi ayoko ring ipanood sa kanya. Kinakabahan akong ipakita ang hosting skills ko. Ha-hahaha!

“Ewan ko, nahihiya pa ako kay Rye na ipakita ‘yung trabaho ko, hindi ko alam. Kasi siya talaga ‘yung biggest critic ko when it comes to hosting at ako naman ‘yung biggest critic niya when it comes to acting, so pag pinapanood niya ako, para akong inaapuyan, parang sinisilihan ‘yung puwet ko, hindi ko maintindihan, pero lahat naman ng sinabi niya sa akin, inilagay (nagamit) ko naman dito sa I Do at Bet On Your Baby.

“Tulad ng kung host ka, your attention would be contestants, huwag mong pag-uusapan ang sarili mo, huwag sasabihin na ito ‘yung nangyari sa ‘yo. Kung baga lagi kang makaka-relate sa kanila, huwag mong isasali ang pangalan mo, may mga ganu’n (payo). Siguro ipapakita ko sa kanya (Ryan) next year na lang kung anong nangyari,” masayang kuwento ng TV host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending