Payo ni Juday sa mga misis : Huwag kimkimin ang galit sa mister n’yo!
Aminado si Judy Ann Santos na marami siyang natutunan sa reality show na I Do maski na maganda ang pagsasama nila ng asawang si Ryan Agoncillo. Nagbiro nga si Juday na sana raw may I Do na bago sila nagpakasal.
Paliwanag ng host ng show malaking tulong ang real-serye sa mga couple bago sila magpakasal dahil, “Kasi they were able to clear out ‘yung past nila, to clear everything from their exe’s and parents.
It was a wedding book package parang sana nga may ganito bago pa kami nagpakasal, kasi ang gandang journey and it makes you more responsible being a wife after the whole journey.
“Alam mo na ‘yung gagawin mo, yung mga pagdadaanan mo. It was a nice introduction for couples who wants to get married,” ani Juday.
Ilan sa mga natutunan ni Juday sa kuwento ng mga couple sa I Do, “Unang-una na ‘yung pagiging honest sa partner. ‘Yung kung ano ang nararamdaman mo, it’s important pala na i-verbalize mo agad, huwag mo nang ikimkim, kasi after ilang months, lalabas din ng mas wild na ‘yung emosyon mo na baka hindi mo na ma-keep together (control).
“Dapat open kayo, hindi lang sa past kundi open kayo sa present situation when it comes to money matters. Importante na magkaibigan pa rin kayong nag-uusap.
“It was a journey not only for the couples but for me as well kasi may mga time na nagte-taping kami at kung ano ‘yung pinagdadaanan couples ay ‘yun ‘yung iniisip ko at that moment na parang pag-uwi ko magaan na ‘yung pakiramdam ko kasi mayroon na akong life coach on board,
“I have professional marriage counselor, nakakausap ko rin sila in a way, treating myself not because I have a bad marriage but because on my own, I think I have to learn some new things to be a good wife,” pagtatapat ng mommy nina Yohan at Lucio.
Bukas ise-share namin sa inyo ang ilang sikreto nina Juday at Ryan kung paano nila napapanatili ang maganda nilang relasyon bilang mag-asawa.
Samantala, kuwento ni Juday tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng I Do, “Kahit sino ang maging Grand Couple at ikakasal ngayong November 15, masaya ako na bahagi ako ng success ng kanilang love story.”
Hindi lang grand wedding ang mapapanalunan ng tatanghaling Grand Couple, kundi pati na rin ang isang honeymoon package, negosyo package na nagkakahalagang P1.5 million, home appliances, P1 million cash at house and lot.
Huwag palampasin ang pag-aanunsyo kung sino ang Grand Couple sa The Final Ceremony ngayong Sabado (Nov. 8) at ang Grand Wedding na gaganapin naman sa susunod na Sabado (Nov. 15) pagkatapos ng The Voice of the Philippines sa ABS-CBN.
Feeling naman ni Juday isa siya sa mga tatayong ninang sa kasal ng mananalong couple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.