Yeng atat nang magkaanak: Gusto ko 3! | Bandera

Yeng atat nang magkaanak: Gusto ko 3!

Reggee Bonoan |October 29,2014
facebook
share this

Yeng atat nang magkaanak: Gusto ko 3!

Reggee Bonoan - October 29, 2014 - 03:00 AM

yeng constantino
“CHEESY kasi ako, e! Ha-hahaha!” Ito ang sabi ni Yeng Constantino nang tanungin namin kung bakit Feb. 14, 2015 ang napili nilang wedding date ng mapapangasawa niyang si Victor Asuncion.

“Buti nga pumayag siya, eh. Sabi ko, ‘Valentines day na lang’ sabi naman niya, ‘sige.’ Saka para tipid na rin, para sa mga susunod na anniversaries isahang na lang,” katwiran ni Yeng nang makatsikahan namin sa presscon ng “ICON: The Concert” kasama sina Rico Blanco at Gloc 9 sa Smart Araneta Coliseum sa Nob. 21.

Gusto na ring magkaanak ni Yeng at tatlo lang daw ang plano nila ni Victor, “Kasi pag panganay, espesyal kasi una, pag pangalawa, espesyal kasi gitna at pag bunso, espesyal kasi bunso. Ha-hahaha! Ang hirap kasi pag apat na, parang alangan ‘yung sa gitna, di ba may little child syndrome, feeling nila hindi sila favorite.”

Babae raw ang gustong panganay nina Yeng at Victor, “Kasi limang lalaking magkakapatid sina Yan (palayaw ni Victor), so hindi niya na-experience ang magkaroon ng little princess, so gusto kong ma-experience niya ‘yun na magkaroon ng baby girl,” paliwanag ng Poprock Princess.

Paano kung puro babae lahat ang maging anak nila? “Hayun, ang suwerte niya, jackpot siya!” tumatawang sabi ni future Mrs. Victor Asuncion.
May sariling bahay na rin ngayon sina Yeng at Victor, “Bumili na kami, ‘yung condo naming dalawa…bumili rin kasi kami ng isa pa na akala namin ay doon kami titira, e, hindi pala, so papaupahan na lang namin,” masayang kuwento ni Yeng.

Bago kami nag-umpisang mag-interbyuhan ni Yeng ay kumakanta-kanta siya ng “Pangarap Na Bituin” kaya ang tanong namin ay kung nahirapan ba siyang abutin ang mga pangarap niya.

“Well, God made it easy for me, I must say. Ang galing lang ni God kasi nilagyan niya ako ng tamang tao to surround me para ma-reach ko ‘yung dreams ko,” aniya.

Speaking of “ICON: The Concert”, tinanong din namin si Yeng kung ano ang masasabi niya kina Rico at Gloc 9 na first time niyang makakasama sa isang malaking concert, “Totally different books, hindi sila puwedeng mapagkumpara kasi sobrang iba. Both are beautiful, parang ganu’n, eh,” say ng dalaga.

“Rico is super highly creative person, nabalitaan mo ba ‘yung ginawa niya na album, ‘yung concert niya sa Teatrino or Music Museum, ‘yung nag ati-atihan siya?

“Walang ganu’ng OPM artist for me, siya ‘yung very experimental. Ako kasi may pagka-experimental ako, pero hindi ko pa siya nadadala to that level na people may say parang sobrang, out this world na.

Pag artist ka kasi lagi mong sinasabi na ‘I wannna be like this, I wanna be like that, fearless, gusto ko talaga magawa ‘yung vision ko. “Si Gloc 9 naman, passionate writer, pag nakita mo siyang mag-perform nang live, para siyang halimaw talaga, pag sinasabi niya ‘yung words sa rap, sinasabi niya talaga, sobrang thrill ng emotions na nilalabas niya pag perform niya.

“Una sa lahat siya ‘yung sumulat, pangalawa, alam niya kung ano ‘yung sinasabi niya and when he writes songs, hindi siya sumusulat ng mga bagay na mababaw lang. Sumusulat siya ng mga bagay na tumatalakay sa lipunan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yun ang nagma-matter, hindi lang ‘yun nagsa-swak sa music industry, even sa utak ng mamamayang Pilipino, so sobrang parehong deep (Rico at Gloc 9), magkaiba talaga,” paliwanag ni Yeng.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending