Luis, Angel handa nang bumuo ng pamilya | Bandera

Luis, Angel handa nang bumuo ng pamilya

Reggee Bonoan - October 25, 2014 - 03:00 AM

luis manzano
MAPAPANOOD muli sina coaches Apl.de.Ap, Sarah Geronimo, Bamboo at Lea Salonga bukas, 8:30 p.m. sa pagbabalik ng The Voice of the Philippines Season 2 with hosts Toni and Alex Gonzaga, Robi Domingo at Luis Manzano.

Idinagdag si Luis sa season 2 dahil nag-click silang dalawa ni Alex sa The Voice Kids at aprubado rin naman ito ni Toni dahil para sa kanya ay napakagaling na host ng binata at kumportable na siyang katrabaho ito.

“Kung kailangan mong palakihin, pabonggahin, e, kailangan ng Luis Manzano talaga,” dagdag ni Toni. Ang magiging “hatian” ng trabaho ng dalawang main host ng TVOFPS2 – si Toni ang in-charge sa blind auditions sa studio at si Luis sa back story ng contestants na nagpupunta sa mga probinsiya all over the country.

“Iba-iba ang highlights namin kasi ngayon iba-ibang grupo na, may spiels na, kaya kailangan talagang magdagdag (ng host) at ang bago sa season 2, bigger, better, stronger ‘yung contestants, mas malalaki ang boses nila, mas magagaling, mas pinaganda, mas exciting,” dagdag pa ni Toni.

At ang pinakabago nga sa sistema ng talent search sabi ng TV host-actress, “Puwede nang agawin ng ibang coach ‘yung napili ng isa.” May mga anak ng pulitiko, pulis, naglalako sa bus, naglalaro ng wake boarding, dating recording artist, ang ilan sa contestants sa ikalawang season ng The Voice.

Ang magiging papel naman nina Alex at Robi, “Like the past season, we’re the reporters, handles the online at saka ‘yung foyer sa blind auditions, usually kasi bago pumasok sa entablado ng blind auditions kakausapin muna sila (contestants) kung ano ‘yung nararamdaman nila about the whole experience, sino ‘yung coach na gusto nilang piliin, and afterwards, kung may interesting stories, may post interview after the blind auditions,” paliwanag ni Robi.

Dagdag ni Alex, “Basta anything about online like Twitter, social media, kami ang bahala ni Robi. Every Sunday makakasama kami sa live streaming ng The Voice.” Samantala, natanong si Toni tungkol sa pambabasted niya kay Luis noong nanligaw ito sa kanya – dahil daw ba hindi niya narinig ang “The Voice” ng TV host-actor?

“Ano ba ‘yun, si Luis we have grown as friends through the years, natutuwa ako kasi si Luis, noong una ko palang siya nakilala, ito ang tao na gusto kong manatili sa buhay ko na pangmatagalan na kaibigan ko.

“Usually kasi kapag nagiging mag-on ang dalawang tao tapos nag-break kasi hindi nag-work ‘yung relationship, nawawala yung friendship. E, masarap talagang maging kaibigan si Luis.  Masuwerte na nga siya ngayon, may ‘Anghel’ na sa buhay niya,” ani Toni.

Hindi namin alam kung nagbibiro si Luis na noong panahong type niya si Toni at gusto talaga niyang mapalapit sa dalaga ay bumili raw ito ng lote na malapit sa lugar nila sa Taytay, Rizal.

Ntanong din si Luis kung kailan naman niya planong mag-propose sa fiancée niyang si Angel Locsin. “I want it to be as organic, as natural as possible and walang outside forces or external factors that will push me through to propose,” aniya.

“If ever I will propose to Angel it’s not because of anything but our love. Napag-uusapan namin. When we had our first date when we got back together, we had a simple dinner and we were talking about the future,” diretsong sagot ng aktor.

At sa paulit-ulit na tanong sa kanya kung papasok siya sa pulitika, “I’ve been talking to few people, I’ve been consulting the right people. No one is influencing me or telling me not to pero, I still have to make-up my mind very soon.

May one month pa ako before my initial deadline,” pag-amin ng binata.

Marami ang nagsasabi na kung merong pwedeng ipalit kay Luis Manzano bilang magaling na TV host, si Robi Domingo ang unang naiisip nila. Sa presscon ng The Voice, inamin ng binata na “intimidated” siya noon kay Luis.

“Honestly speaking, I would be lying if I say no (na-intimidate). Kasi just looking at his credentials, just looking at him personally, he is the son of Vilma Santos and Edu Manzano. That factor pa lang, nakakatakot na,” sabi nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero nang tumagal na, “He makes us feel that we are equal, and that is the best thing about Luis. He gives me a lot of pieces of advice and he is so open to teaching me his craft, at ‘yun ang gusto kong makuha.” Dagdag pa niya, ang isa sa natutunan niya kay Luis bilang host, dapat daw marunong kang makinig.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending