Luis pakakasal kay Angel bago mag-2016 | Bandera

Luis pakakasal kay Angel bago mag-2016

Ervin Santiago |October 24,2014
facebook
share this

Luis pakakasal kay Angel bago mag-2016

Ervin Santiago - October 24, 2014 - 03:00 AM

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

MAY naiisip ng set-up si Luis Manzano kung paanong magpo-propose kay Angel Locsin.

Sa presscon ng bagong movie ni Luis, ang “Moron 5.2: The Transformation”, kinumpirma nito na may bonggang plano na siya sa magiging marriage proposal niya sa kanyang girlfriend, pero definitely, hindi na raw ito mangyayari this year.

Ayaw na raw niyang makisabay sa usung-uso ngayong engagement proposal among local celebrities, sa pangunguna na nga nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at nina Heart Evangelista and Sen. Chiz Escudero. Pero chika ng TV host-actor, feeling niya siya ang mauunang magpakasal sa mga kasamahan niya sa “Moron 5.2” kabilang na sina Marvin Agustin, Billy Crawford, DJ Durano at Matteo Guidicelli, plus John Lapus.

“Well, ako naman, sabi ko nga, I’m not getting any younger. Si Angel din naman, ang dami pa niyang puwedeng gawin.

Magda-Darna siya, may movie siya with my mom (Gov. Vilma Santos).

“Kumbaga, I don’t believe in long engagement. Siguro, maximum is less than a year,” chika pa ni Luis kasabay ng pagsasabing,

“Apparently nga kasi, dalawang beses na akong kinasal, dalawang beses na akong nag-propose. Actually, ang tagal ko nang naghihintay kay Kite (palayaw ni Angel) na mag-propose. E, wala pa, e!” biro pa ng anak ni Ate Vi.

Tungkol naman sa plano niyang pagsabak sa politika sa 2016, nilinaw ni Luis ang chikang pinipilit siya ni Ate Vi at ng asawa nitong si Sen. Ralph Recto na tumakbo na sa susunod na eleksiyon.

“Never akong pinilit ng mommy ko to run. Kahit si Tito Ralph, even my dad, never. But I’m exploring options. I’d been talking with some Batangueños, actually ‘yung iba sa kanila ay may hinaing, may ganyan. So in terms of me saying with finality na ‘yes

I’m going to run for public office and this will be the position’ wala pa,” tugon ni Luis.

Nang matanong kung totoo bang pakakasalan niya si Angel bago mag-2016 sa isang simbahan sa Batangas, “It’s a suggestion.

Pero pwede naman sa Manila, pwede by the beach. Pero the fact that Batangas has been memorable for my family, it’s a factor.

Pero hindi pa namin napag-uusapan. Baka magulat lang siya sa mga ito, pero if you think about it logically it’s a factor. Pero I don’t know dahil wala pa talaga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, showing na sa Nov. 5 ang “Moron 5.2” sa lahat ng sinehan sa direksiyon ni Wenn Deramas, kasama rin dito sina Mylene Dizon, Nikki Valdez, at super dami pang surprise guests. Pero ang tanong ng madlang pipol, umapir nga kaya ang dyowa ni Matteo sa movie na si Sarah Geronimo tulad ng inaasahan ng fans? Yan ang abangan n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending