Bahay nina Rayver ninakawan, mga naipong dolyar tinangay | Bandera

Bahay nina Rayver ninakawan, mga naipong dolyar tinangay

Reggee Bonoan |October 22,2014
facebook
share this

Bahay nina Rayver ninakawan, mga naipong dolyar tinangay

Reggee Bonoan - October 22, 2014 - 03:00 AM

RAYVER CRUZ

RAYVER CRUZ

NATATAWANG sinabi Rayver Cruz na kahit gumagawa siya ng horror movies tulad ng latest offering ng Regal Films na “Dilim” (showing na ngayong araw sa mga sinehan), ay matatakutin talaga siya sa totoong buhay.

“Kaya nga pag nanonood ako ng horror movies, ganito ako (sabay muwestra ng kamay na nakasilip ang mga mata).”

Parang bata pala si Rayver dahil ang laki-laking tao ay duwag pala sa multo, pero pag gumagawa siya ng pelikulang horror o suspense ay okay lang sa kanya dahil marami naman daw tao sa set.

Paano kung may dyowa na siya, hindi ba siya nahihiya na baka mas matapang pa ang babae sa kanya? “E, wala, dapat tanggapin niya ‘yun. Ha-hahaha!” humahalakhak na sabi ni Rayver sa nakaraang presscon ng “Dilim” habang katabi ang leading lady niyang si Kylie Padilla na nakikinig lang sa mga kuwento niya.

Mukhang naka-score naman agad si Rayver sa dalaga ni Robin Padilla dahil balitang “nag-date” na sila Ni Kylie – sabay silang nanood ng pelikula ni Liam Neeson na “A Walk Among The Tombstone”.

“Pero hindi kaming dalawa lang, may mga kasama kami,” paglilinaw agad ni Rayver.

Kilalang mahigpit ang tatay ni Kylie at nirerespeto ito ni Rayver kaya sa tanong kung paano niya iniingatan ang pagkakaibigan nila ng dalaga, “Madali namang ingatan ang friendship. Ako naman kapag nagkaroon ng kaibigan talagang kaibigan, hindi dahil sa trabaho lang, hindi naman ako shooting friend.

“So, kahit na hindi man maging kami katulad ng gusto ng iba, mananatiling kaibigan ko siya (Kylie), kasi ako, looking forward pa akong magkaroon ulit kami ng project together kasi masaya talaga siyang kasama,” katwiran ni Rayver.

Samantala, maraming nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang serye sa ABS-CBN, ang huling project pa yata niya ay Bukas Na Lang Kita Mamahalin noong nakaraang taon kasama sina Gerald Anderson, Cristine Reyes at Dawn Zulueta.

Hanggang 2016 pa raw ang kontrata ng aktor sa ABS-CBN, wala ba siyang planong lumipat sa ibang network? “Wala pa namang ganu’n,” mabilis na sabi ng binata.

Sabay singit naman ni Kylie ng, “Kung lilipat ka, ako magiging leading lady mo.”

Hayan ha, inviting na si Kylie, sabi namin kay Rayver na natatawa lang.

Katwiran naman ng aktor, “Hindi naman kasi ako mainiping tao, eh, hindi ako nagmamadali. Alam ko na may ibibigay at ibibigay sa aking project ang ABS, sa tagal ko naman sa kanila kaya I’m pretty sure na may kasunod pa.”

Masuwerte ang ABS-CBN kay Rayver dahil mabait at masipag ang binata bukod pa sa hindi naging pasaway kaya bakit hindi siya nabibigyan ng projects?

O, baka kailangan ni Rayver maging bad boy na rin para pansinin siya ng TV network?

Samantala, wala sa bansa si Rayver kaya hindi siya naka-attend sa premiere night ng “Dilim”, nasa Australia siya ngayon at didiretso ng Canada para sa TFC shows.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Balita namin ay nawalan ng mahigit $15,000 si Rayver na katatanggap lang niya bilang talent fee sa show niya sa Australia dahil pinasok ang bahay nila noong nasa ibang bansa siya kaya sobrang lungkot ng binata. Sayang nga naman ang pinaghirapan niya sa pagso-show abroad na ninakaw lang ng kung sino.
“Wag na nating pag-usapan ‘yun,” pigil sa amin ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending