Gusto nang mag-asawa | Bandera

Gusto nang mag-asawa

Joseph Greenfield |October 21,2014
facebook
share this

Gusto nang mag-asawa

Joseph Greenfield - October 21, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Isabel Castellano, Calatraba, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,

Mula nang magkaroon ako ng boyfriend at may nangyari sa amin, parang hindi ko na po makayang mawala pa ang boyfriend kong si Mat. Ang problema nag-abroad po siya at bago siya nag-abroad sabi nya po sa akin ay magpapakasal na kami pagbalik niya sa 2017. Ang tagal pa po noon, kasi sa ngayon almost two months palang siyang nakakaalis  ay sabik na sabik na ako sa kanya at parang hindi ko na makaya na wala siya sa aking tabi.

Kung ako lang ang masusunod gusto ko na siyang umuwi para magkasama na kami. Nagtataka din ako sa sarili ko kasi mula nang umalis siya laging may takot sa aking dibdib na baka mambabae siya sa ibang bansa.

Ito rin ang dahilan kung kayat naisipan kong sumangguni sa inyo gusto kong garantiyahan nyo ako na ang boyfriend ko na ang mapapangasawa ko at makakasama habang buhay at kung hindi nya na talaga ako ipagpapalit sa iba at wala ba talaga siyang ibang babae sa abroad?
Umaasa,
Isabel ng Negros
 Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ipayapa mo lang ang iyong isipan at wag labis na mag-alala, dahil ang kaisa-isa at magandang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad ang nagsasabing kung sino ang first boyfriend mo at kung sino ang unang lalaking nakauna sa pagkababae mo, humigit kumulang ang nasabi na ngang lalaki ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.
Cartomancy:
Ang Five of Hearts, Three of Hearts at Seven of Diamonds ang nagsasabing sa panahong ipinangako ng boyfriend mo, sa 2017 walang duda, matutuloy ang inyong kasal na hahantong sa isang maunlad at pang habang buhay ng pagsasama.
Itutuloy….
 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending