Assunta hihiwalayan ng asawa pag-nagparetoke | Bandera

Assunta hihiwalayan ng asawa pag-nagparetoke

Reggee Bonoan |October 21,2014
facebook
share this

Assunta hihiwalayan ng asawa pag-nagparetoke

Reggee Bonoan - October 21, 2014 - 03:00 AM

assunta de rossi
ISA si Assunta de Rossi sa nagpasaya sa presscon ng pelikulang “Beauty In A Bottle”. Wala kasing kaarter-arteng sumagot ang aktres sa mga tanong, actually, noon pa namin siya hinahangaan sa pagiging totoo kahit na maging katawa-tawa siya.

Na-miss ng entertainment press si Assunta dahil bihira na siyang tumanggap ng projects simula nang mag-asawa siya, pero sabi ng aktres, kagustuhan din naman niya ito dahil ayaw niyang mapabayaan ang kanyang pamilya, lalo na ang asawang si Jules Ledesma.

Kaya naman nag kumustahin si Assunta sa presscon ng “Beauty In A Bottle” kamakailan, “Heto, sobrang saya. Kasi nga, nu’ng na in-offer sa akin ‘yung movie, ‘yun ‘yung time na I wanted to get pregnant, pero sabi ko, just give me three months.

Sabi ko sa asawa kasi, ‘I’m too skinny’.  “115 pounds ako dati, so ganu’n lang ako kaliit, kaya talagang nag-gym ako para lumaki ang katawan ko, na parang kain-kargador kasi pag galing ako sa gym, gutom na gutom ako.

Kaya, umakyat nang umakyat ang weight ko. “Tapos, bigla niyang sinabi, ‘Gusto mong gumawa ng pelikula?’ Sabi ko, ‘Ha? Di okay?’ So bigla kong binasa ang script, tamang-tama at nire-ready ko rin ang katawan ko at puwede na akong gumawa ng pelikula,” kuwento ng aktres.

“Pero sabi ko, ‘My God, ang taba ko na ‘ata?’ Paano pa ako magpepelikula, e, hindi ko na gustong mag-lose ng weight, e. Pero nu’ng nabasa ko naman ‘yung script, sabi ko, ‘Ah, puwede pala ‘yung katawan ko sa character ko na ‘di masyadong perfect.’

“Kasi nga, ‘yung role ko ay ‘yung medyo nag-i-struggle, okey lang na may wrinkles-wrinkles ako, na medyo flabby. Kala ko kasi, kapag sinabing beauty in bottle, kailangang halos perfect ang katawan pero, ‘di naman pala,” paliwanag ni Assunta.

Gagampanan niya ang role ng isang advertising agent na takot tumanda kaya gagawin niya lahat para ma-maintain ang kabataan. Tinanong ang aktres kung ito rin ba ang nararamdaman niya sa totoong buhay dahil sa kanilang tatlo nina Angeline Quinto at Angelica Panganiban na kasama niya sa movie, ay mas mature siyang tingnan.

Inamin naman ni Assunta na insecure siya, “Siyempe, meron din akong insecurities. I wish I was born with ‘yung kutis porselana. ‘Yung taong walang pores! Kasi, sobra akong oily.

Sobra akong pimple-prone and it’s so high maintenance. Kaya minsan, napapagod na ako na, ‘Bakit ako hindi pinanganak na kutis-LyNa?!’

“Yung walang pores na sobrang low maintenance lang na parang you just wash it and that’s it? Ako kasi, konting makeup lang, barado na ‘yung pores ko. I think that’s a life long insecurity ko hanggang ngayon,” aniya pa.

Ang maipagmamalaki ni Assunta ay hindi siya dumaan sa anumang retoke sa katawan, “Ayoko pang mategi. Mabuti nang mamatay ako sa katandaan, kesa mamatay dahil sa vanity!

“Eh napaka-vain ko, ha? Pero gusto ko lahat, natural lang. Mahilig ako sa beauty products, I have to admit. Pero ayoko ng anything invasive. Alam ko kasi ang itsura, kasi nanonood ako lagi ng TV.

Nasa internet ako palagi,” pag-amin ng aktres. Nabanggit pa ni Assunta na mukhang alien ang ibang mga retokada lalo na raw ‘yung sikat na personalidad sa ibang bansa na nasa social media ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa pang katwiran ng aktres kaya ayaw niya ng retoke, “At saka madi-divorce ako (ni Jules), ayoko pa! Kasi, bawal talaga ‘yon. ‘Yung mga tattoo and anything na cosmestic surgery, pinagbabawal sa bahay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending