Sey mo Lucy, Goma tutuhugin sina Dawn at Bea
Patapos na ang taping ng Quiet Please! Bawal Ang Maingay Season 1 kaya excited na si Richard Gomez dahil sigurado na raw na may season 2 ang kanilang game show sa TV5.
Mga celebritiy ang naglalaro sa Quiet Please! kaya natanong ang aktor kung wala ba siyang planong i-guest ang mga naging girlfriend niya sa show? “Ha-hahaha! E, baka ilang episodes ang kailangan diyan,” natawang sabi ng TV host-actor.
Tinanong namin kung puwede pa siyang tumanggap ng programa sa ABS-CBN dahil mukhang tinali na siya ng TV5. Sabi ni Goma, hindi siya exclusive sa TV5, “Basta ‘wag lang same format, puwede.
Kadalasan naman ang ginagawa ko ro’n (ABS-CBN), teleserye at pelikula, dito naman game shows lang. Enjoy at masarap talaga ang game show kasi tawa lang kami nang tawa, very relax.
Tapos relax din ang kasama kong si K (Brosas),” say ng aktor. Masaya raw ang mga contestant dahil malaki ang papremyo sa show, sa round 1 pa lang (Small But Terrible) ay mananalo ka na ng P5,000; sa round 2 (Major Trouble) win ka ng P10,000; sa round 3 (Salo-salo together) P15,000 ang mapapanalunan; at sa jackpot (Panig Room) kakabig ang team members ng P250,000.
At dahil sa PIlipinas unang umere ang Quiet Please! na binili ng TV5 sa FreeMantle Media ay wala pang bible na sinusunod kaya sabi ni Goma ay sobrang istrikto sila, “Kasi mapapagalitan kami (management), pati audience tahimik talaga, kasi very sensitive ang mga mike.
At pag tumunog ‘yun, may disadvantage sa mga participant.” Ang ilang celebrities na nakita namin sa taping ng Quiet Please! noong Martes ay sina Hayden Kho, Andrea del Rosario, Troy Montero at marami pang iba.
Samantala, nabanggit ni Goma na may pelikula siyang gagawin kasama sina Bea Alonzo at Dawn Zulueta sa Star Cinema na nagkaroon ng story conference noong Huwebes at isang serye na sa 2015 pa ang taping.
Samantala, nilinaw naman ni Richard na ang proposed bill ng asawang si Rep. Lucy Torres tungkol sa “no blowing of horn on Sundays”, na mali nga raw ang pagkaka-file, “Ang gustong mangyari ni Lucy no’n, there’s one day in a year na ise-celebrate natin na walang businang mangyayari, parang noise awareness campaign.
“Pag sumakay ka ng dyip, pakinggan mo ang paligid mo, di ba puro busina ang maririnig mo, hindi natin nararamdaman, hindi natin napapansin ang tinatamaan ‘yung tenga natin.
Ang gusto ni Lucy doon, e, awareness campaign na dapat huwag tayong magbubusina, na unnecessary noise is not good for sense of hearing,” paliwanag pa ni Goma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.