Erik gusto nang pakasalan si Angeline pero may problema | Bandera

Erik gusto nang pakasalan si Angeline pero may problema

Reggee Bonoan |October 18,2014
facebook
share this

Erik gusto nang pakasalan si Angeline pero may problema

Reggee Bonoan - October 18, 2014 - 03:00 AM

erik santos
MUKHANG suwerte sa isa’t isa sina Erik Santos at Angeline Quinto. Pansin namin na napapakinabangan nila ang kanilang “relasyon” dahil maraming nagre-request sa kanilang dalawa na magsama sa isang concert.

Napanood kasi ang dalawa sa Los Angeles, USA kung saan nag-live ang ASAP. At simula raw no’n ay marami nang inquiry na magsama sila sa iisang show, lalo na ang mga kababayan natin sa Hawaii.

Kuwento ng taong malapit sa dalawang singer, “Aliw kasi sila mag-show na dalawa, parehong komedyante kaya natutuwa ang tao sa kanila.  Parang Martin (Nievera) at Pops (Fernandez), Ogie (Alcasid) at Regine (Velasquez).”

Nagtanong naman kami sa iba pang kaibigan nina Erik at Angeline kung ano na ba talaga ang estado ng kanilang relasyon, “Hindi rin namin alam kasi wala naman silang sinasabi, pero sobrang sweet pag magkasama sila.

Parehong makulit, enjoy silang dalawa, feeling ko may MU (mutual understanding) na sila,” kuwento sa amin. Samantala, napanood namin dati ang interview kay Angeline sa Aquino & Abunda Tonight, dito siya napaamin nina kuya Boy Abunda at Kris Aquino, hindi pa raw sila officially mag-on ni Erik, pero sinabi niyang mahal niya ang binatang singer.

Napanood ito ni Erik at nagulat siya sa pinagsasabi ni Angge kaya after daw ng guesting ng dalaga sa A&A ay nagkita sila at nag-usap. Dito na nagdesisyon si Erik na hindi na makikipag-date sa ibang girl, kay Angeline na lang.

“Ay, hindi ko alam ‘yan, wala namang binanggit si Erik, siguro, baka.  Hindi ko alam, eh,” sabi ng aming kausap.  Sitsit pa sa amin, “Ang kaso, gusto na ni Erik mag-asawa, e, si Angeline parang ayaw pa kasi bata pa, so malabo.”

Samantala, naunang bumalik ng Pilipinas si Angeline kay Erik, may promo pa kadi siya par sa pelikulang “Beauty In A Bottle” kasama sina Assunta de Rossi at Angelica Panganiban mula sa Quantum at Skylight Films, sa direksyon ni Antoinette Jadaone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending