Kasalang Bea-Paulo no. 1 trending topic worldwide sa Twitter | Bandera

Kasalang Bea-Paulo no. 1 trending topic worldwide sa Twitter

Reggee Bonoan - October 12, 2014 - 03:00 AM

bea alonzo
CURIOUS kami kung ano ang rating ng pagtatapos ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Biyernes na talagang inabangan ng avid viewers.

Hindi naman nabigo ang mga manonood dahil nagkaroon ng happy ending ang kuwento – ikinasal sina Rose (Bea Alonzo) at Patrick (Paulo Avelino) na dinaluhan ng mga taong malalapit sa kanila tulad nina Leo (Albert Martinez) Kit (Miguel Vergara), Violet (Michele Vito), Sebastian (Francis Magundayao), Mang Magno (Eddie Garcia) at Ruth Gaspar (Susan Roces).

Sa pagtatapos ng kuwento ng SBPAK ay hindi nagtagumpay si Tonton Gutierrez bilang si Carlos/Muerte na planong paghigantihan ang buong pamilya ni Rose, namatay siya nang sumabog ang sasakyan na gagamitin sana nila sa pagtakas.

Nadamay pa ang anak niyang si Sasha (Maricar Reyes) na nagsisisi naman sa kanyang mga kasalanan. Wala sa pagtatapos ng serye si Dina Bonnevie (Laura), pinalabas na lang na sumunod siya sa Amerika kung saan dinala ni Patrick ang kinilalang anak na si Martina, kasama si lola Patchi (Anita Linda).

At habang pinapanood ng buong cast ng SBPAK ang pagtatapos nito ay kasabay naman ng wrap party bilang pasasalamat ng Dreamscape Entertainment sa mga artista.

Samantala, naging trending topic din ang finale ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon, pagkatapos ng eksena kung saan ikinasal na nga sina Rose at Patrick, ang official hashtag ng finale episode na “#SBPAK1Self” ay bigla itong nag-number one worldwide sa mga trending topic sa Twitter.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending