Sam, Angeline, Gerald, Maja nakiangkas sa mga motorista para umabot sa NAIA | Bandera

Sam, Angeline, Gerald, Maja nakiangkas sa mga motorista para umabot sa NAIA

Reggee Bonoan |October 09,2014
facebook
share this

Sam, Angeline, Gerald, Maja nakiangkas sa mga motorista para umabot sa NAIA

Reggee Bonoan - October 09, 2014 - 03:00 AM

sam milby
MUNTIK nang maiwan ng eroplano sina Sam Milby, Gerald Anderson, Maja Salvador, Rayver Cruz, Angeline Quinto, Erik Santos at iba pang Kapamilya stars na kasali sa ASAP US tour noong Martes ng gabi dahil sa matinding trapik sa C5 sanhi ng bigla na namang pagbaha sa Metro Manila.

Alas-siyete y media na ng gabi ay nasa C5 pa rin ang mga nabanggit na celebrities dahil wala nang galawan ang mga sasakyan gayung alas-nuwebe ng gabi ang flight nila patungong Los Angeles, USA para sa Kapamilya show nga ng ASAP Live para sa TFC subscribers.

At dahil walang mangyayari kung hihintayin ng mga nabanggit na mawala ang trapik kaya si Sam Milby kasama ang personal assistant niyang si Nene na nakiusap sa isang motorcycle rider na kung puwede ay ihatid siya sa NAIA, ang ending parang “riding in tandem” ang naging drama nila. Good thing hindi sila nahuli ng pulis. Ha-hahaha!

“Mabuti na lang ate Reggee, may mababait na tao at pumayag silang ihatid si Pogi (tawag niya kay Sam) sa NAIA. Si Angeline nga, nadaanan ang sasakyan namin, kumatok sa salamin akala nasa loob pa si Sam, sabi ko nag-motor na papuntang airport.

“Hindi lang si Sam ate Reggee ang natrapik, marami sila, pati yata si Gary V, natrapik din,” kuwento ng loyal PA ng aktor.
Ngayon lang daw nangyari kay Sam ang ganito dahil sa tuwing aalis naman ang aktor ay may dalawang oras siyang allowance.

Treinta minutos na ang nakalipas ng mag-post sa social media ang handler ng Star Magic na si @nhilanhils ng ginawa nina Gerald at Maja, “Tom Cruise ka ba or James Bond? Ikaw na @andersongeraldjr! Sa tindi ng traffic and para makaabot sa flight for#ASAP LiveInLA OK GO, he paved the way and rode a motorbike together with @iammajasalvador.

All for the love for our TFC kapamilya! Good job ka jan Ge! Proud ako! Hehe!” Sinundan naman ito ng tweet mula sa isa pang handler ng Star Magic (@whengcorpuz), “They made it through the traffic! @samuelmilby @andersongeraldjr @rayvercruz @iammajasalvador”.

Habang sinusulat namin ang balitang ito, nakatanggap kami ng mensahe na pati raw si Angeline ay sumakay na rin sa motor para lang makarating sa NAIA.

Hindi ko lang sure kung ano namang ginawa ni  Erik  para makaabot sa flight nila. Nakita namin siya  sa isang litrato sa Instagram habang nasa loob ng eroplano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending