Sam araw-araw nang nag-aaral ng Tagalog | Bandera

Sam araw-araw nang nag-aaral ng Tagalog

Reggee Bonoan |October 08,2014
facebook
share this

Sam araw-araw nang nag-aaral ng Tagalog

Reggee Bonoan - October 08, 2014 - 03:00 AM

sam milby
EXCITED si Sam Milby patungong Los Angeles, USA ngayong araw (Miyerkules) para sa ASAP. Pagkatapos kasi ng kanilang show doon for TFC subscribers ay bibisitahin naman niya ang kanyang pamilya sa Ohio, para makadalo sa kaarawan ng kanyang  ama.

Ayon kay Erickson Raymundo, manager ng singer-actor, matagal nang plano ni Sam na magbakasyon at ngayon lang matutuloy dahil nagkasunud-sunod ang commitments niya kaya timing naman na may show sila sa Amerika.

“Matagal na niyang gustong magbakasyon para makasama ang parents niya, lalo na dad niya kasi birthday, kaya timing nga kasi patungong LA ang ASAP, may show pa sila sa Australia, so after that diretso siya sa kanila (Ohio),” say ni Erickson.

Tinanong din namin ang manager ni Sam kung totoong may tinanggihang offer ang aktor sa Dos na follow-up project sana niya after Dyesebel.

“May offers, pero parang hindi naman bagay kay Sam ‘yung role kasi siyempre at this point of his career, gusto niya ng kakaibang role, hindi ‘yung paulit-ulit na lang (pa-cute),” paliwanag ng manager ng aktor.

Ayon pa rito, type ni Sam ang off-beat roles na talagang matsa-challenge siya nang husto kaya mas lalo pa raw nagpupursige ang binatang mag-aral ng Tagalog, “Araw-araw na nga ‘yung session niya sa Tagalog lessons, dati twice a week lang, ngayon everyday lalo na kapag wala siyang ginagawa,” kuwento ni Erickson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending