Coco bagsak na bagsak, apektado na ang trabaho | Bandera

Coco bagsak na bagsak, apektado na ang trabaho

Reggee Bonoan |October 02,2014
facebook
share this

Coco bagsak na bagsak, apektado na ang trabaho

Reggee Bonoan - October 02, 2014 - 03:00 AM

coco martin pa
NAKAHANDANG makipagkita at makipag-ayos ang Teleserye King ng ABS-CBN na si Coco Martin sa mga grupong nagrereklamo sa ginawa niyang pagrampa sa underwear show ng Bench kamakailan.

Ayon sa legal counsel ni Coco na si Atty. Lorna Kapunan, planong makipag-usap at personal na humingi ng dispensa sa nagawang pagkakamali si Coco sa Gabriela at Commission on Women na kumuwestiyon sa ginawa niyang pagtrato sa isang female model sa nasabing fashion show.

Ito’y para patunayan na rin sa lahat na wala siyang intensiyong manakit ng kahit sino. Noong Martes, nagpatawag ng presscon ang manager ni Coco na si Biboy Arboleda para linisin ang pangalan ng aktor dahil apektado na ang tatlong proyekto nito na hindi muna binanggit.

“Alam n’yo po, si Coco ako ang tinuturing niyang business manager at nanay at ang career ni Coco ang itinuturing niyang hanapbuhay, wala naman siyang ibang hanapbuhay.

“Kumuha (humingi) po kami ng tulong kina Atty. Kapunan kasi po nati-threaten na ang hanapbuhay ni Coco Martin, hindi ko na po ida-divulge today kung ano ‘yung iilan na ‘yun.

And if ever na mag-worsen ito, maybe I’ll see you in the next few days with Atty. Lorna Kapunan kasi magda-divulge na kami.
“I am not in the mood to fight back, gusto ko peace ang strike namin and step by step.

At ang baon lang naming mag-ina rito ay dasal. At kung hanapbuhay na ang apektado, kailangang protektahan lalo na kung walang kasalanan at walang sinadyang ginawa para makasakit ng damdamin ng tao.

“Malungkot si Coco, he’s down, isa ito sa malaking dagok na dinadaanan niya, I’m managing Coco for six years.  Kanina nag-usap kami at wala siyang lakas,” pahayag ni Biboy.

Tinanong namin si Biboy kung nakailang taon na si Coco bilang endorser ng Bench, “Turning five na at nakatatlong beses na siyang rumampa ng major iba pa ‘yung small shows.” Hindi naman kami sinagot ng manager ni Coco kung magre-renew pa sila sa Bench pag-nag-expire na ang kontrata nito bilang celebrity endorser.

Ang ipinagtataka ng lahat ay nag-public apology si Ben Chan kay Coco sa pamamagitan lang ng Instagram account nito noong isang araw, pero pagkatapos ay tinanggal na rin kaagad.

As of now ay hindi pa rin daw personal na nakikipag-usap ang may-ari ng Bench sa kampo ng aktor. Samantala, nabanggit ni Atty. Kapunan na hindi raw kumportable si Coco sa ginawa niyang pagrampa at sa rehearsal palang daw ay asiwa na ito sa ipinagawa sa kanya na hindi niya nagawang sabihin ito sa organizers dahil pawang foreigners ang nasa event.

At ayon kay Atty. Kapunan, “During the rehearsal most of the people on stage were foreigners and even the choreographer was a foreigner.

“Mr. Martin wanted to voice out his concern, particularly with the leash strapped on the neck of the lady model, but he failed to successfully communicate his thought because of the language barrier.

Mr. Martin kept mum on his opinion on the matter because it was impressed upon him that the whole show was already finalized and he felt insignificant as to cause a scene and demand an overhaul of the entire segment,” sabi pa ng abogada.

Hindi raw gusto ni Coco na makasakit ng damdamin ng babae, lalo pa’t masyado niyang mahal ang kanyang lola, ang kanyang ina at tatlong kapatid na babae. Mr. Martin feels extremely sorry for what transpired and admitted that this incident taught him a major lesson to be more sensitive and mindful of the repercussions of his portrayals.

Dagdag pa ni Atty. Kapunan, “Let it be clarified, however, that Mr. Martin did not have the slightest intention on his mind to insult women by this single unfortunate act. Mr. Martin has high regard for women just as he respects and loves his mother, his grandmother, and his three sisters.”

Bago ito, humingi na ng sorry si Coco sa lahat ng mga nasaktan sa ginawa niya sa nasabing underwear show. Aniya pa, “Marami po akong natutunan sa nangyaring ito, unang-una sa lahat ang responsibilidad na kakabit ng aking trabaho. Maraming salamat po ulit.”

Speaking of Coco Martin, sisiklab naman sa galit ang leading lady niyang si KC Concepcion bilang si Natalia sa seryeng Ikaw Lamang ngayong natuklasan na niya na ang itinuturing na karibal sa puso ni Gabriel (Coco) na si Jacq (Kim Chiu) ay ang kanyang nawawalang kapatid na si Andrea.

Sa kanyang pagbabalik, handa nang gawin ni Natalia ang lahat para sirain ang buhay ni Andrea matapos nitong sirain ang relasyon nila ni Gabriel.

Paano isasagawa ni Natalia ang kanyang masasamang plano laban kay Andrea kung ito ay pinoprotektahan na ng kanilang ama na si Franco (Boyet de Leon)?

Ngayong alam na ni Gabriel na ang iniibig niyang si Andrea ay anak din ng lalaking kinasusuklaman niya, magagawa ba niyang ituloy ang kanyang paghihiganti, o mas mananaig pa rin ba ang isinisigaw ng kanyang damdamin?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa direksyon nina Malu Sevilla, Manny Palo at Avel Sunpongco, ang Ikaw Lamang ay mapapanood gabi-gabi pagkatapos ng Hawak Kamay sa Primetime Bida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending