Jodi magpapahinga muna: Gusto ko kasing tutukan ang anak ko! | Bandera

Jodi magpapahinga muna: Gusto ko kasing tutukan ang anak ko!

Reggee Bonoan - September 27, 2014 - 03:00 AM

jodi sta maria
SA farewell presscon ng Be Careful With My Heart ay diretsong tinanong si Richard Yap bilang si Ser Chief kung posible ba siyang magkagusto kay Jodi Sta. Maria bilang si Maya if ever na wala pa siyang asawa.

“I don’t know, mahirap sagutin ‘yan kasi si Jodi naman hindi mahirap sagutin, lovable person, ano siya funny, she’s always make fun of me. We really treat each other as friends so, ‘yun,” pahayag ng tsinitong aktor.

Inamin din ni Richard na nalulungkot siya sa pagtatapos ng BCWMH dahil nga ibang samahan ang naranasan niya sa cast at pamilya na talaga ang turingan nila sa isa’t isa.

“Hindi mawawala ‘yung sadness na it has to end. We’re also happy that maganda ‘yung show ngayong patapos na hindi kailangang tapusin kasi (hindi maganda ang rating). Lahat naman may katapusan,” saad ni Ser Chief.

Iisa ang tanong ng lahat – paano nga ba tatapusin ang kuwento ng kanilang daytime series, “Wala pa kaming ideya, hindi pa nai-share sa amin,” say ni Richard.

At dahil patapos na ang kilig-serye nina Ser Chief at Maya ay ano naman ang susunod na proyekto ng aktor? “I’ll be shooting the movie with Vice (Ganda) ‘Praybeyt Benjamin 2’, so ‘yun palang ang alam ko,” sagot nito.

Natanong din siya kung ano ang gusto niyang role sa mga susunod na projects, “Kahit ano naman ang offer sa akin basta maganda ang istorya.

Pero siyempre, of course, gusto naming gumawa ng iba naman, puwedeng may konting action, konting comedy. Hindi naman all out action, parang ‘yung (ginagawa) ni Liam Neeson,” aniya.

Approved din ang kontrabida roles kay Richard, “Okay din, why not, basta it’s a good role, hindi naman ako mapili (kasama), maski sino naman, I’m open to anyone, pairing with anyone.”

Samantala, tulad ni Jodi ay magbabakasyon din daw sa ibang bansa si Richard pagkatapos ng BCWMH, “Siguro next year, or December, para maka-bonding ko naman ang mga bata (anak). Siguro pag bakasyon na nila ulit,” say ng aktor.

Hindi itinanggi ni Ser Chief na nawalan siya ng oras sa mga anak niya dahil sa kanyang showbiz career, “Oo, hindi kami nagkikita. Minsan text lang pag paalis sila, ako rin paalis din, minsan hindi rin kami nagkikita kasi tulog pa ako.”

Ang  ipinagpapasalamat daw ni Richard ay ang pagiging maunawain ng kanyang misis, “Hindi naman (nagtatampo) kasi parati kaming nag-uusap maski na nasa set ako, lagi kaming nagtatawagan.

Walang problema sa kanya kasi alam niyang trabaho lang. Kung wala ka namang ginagawa, siyempre walang guilt feelings, she’s very understanding kasi alam naman niya kung anong pinasok ko.”

At ang revelation ni Ser Chief ay number one fan daw nila ni Maya ang kanyang misis, “Oo, gusto niya, she’s (our) number one fan, kasi kapag kami (magkaeksena) sinasabi niya, ‘O, ayusin mo ha, hawakan mo siya (Jodi), ganito, ganyan.

Pati sa kissing scene siya rin ang nagsasabi para kiligin ang mga tao, walang selos talaga.” Inamin din ng aktor na sa mga nakasama niya sa projects ay si Jodi talaga ang gusto niya, “Kasi siya ‘yung kasama ko, longest running show so far. ‘Yung iba naman kasi medyo maiksi lang, so hindi naman masyadong na-focus on that love team.”

Tulad ng sinulat namin dito kahapon tungkol sa pagganap sana ni Jodi Sta. Maria bilang si Amor Powers sa remake ng seryeng Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, mukhang hindi na nga ito matutuloy, base na rin sa paliwanag ng manager niyang si Biboy Arboleda.

Nilinaw ni Jodi sa presscon ng Be Careful With My Heart na hindi siya ang gaganap na Amor Powers, “Kinaklaro ko po kasi nakakahiya sa inoperan na,” pahayag ni Jodi.

Pero hindi masagot ng aktres kung ino-offer ang nasabing papel sa kanya, “May sinabi pero hindi pa po kami nagkakausap. Magmi-meeting pa po kami kasi alam naman po ng ABS na after ng Be Careful, gusto ko po munang magpahinga, gusto ko pong tumutok sa anak ko.

Plano po naming mag-Pasko sa Amerika,” tugon ng aktres. Back to school ba si Jodi kaya niya tinanggihan si Amor Powers? “Hindi naman, kasi wala pa nga akong time, ang main reason ko ay gusto ko munang magpahinga kasi dalawang taon mahigit din kami dito (BCWMH), so pahinga muna.

Malalaman ko pa after ng meeting namin with the management,” aniya. Baka naman hindi type ni Jodi ang maging suporta na lang sa Pangako Sa ‘Yo dahil sa Be Careful With My Heart ay bida siya.

“Ay hindi naman, hindi ako namimili ng role basta kaya ko, wala naman akong problema sa mga ganyan, ke support o hindi,” sangga ng magandang mommy ni Thirdy.

Nagpapasalamat nga raw si Jodi kina Daniel at Kathryn dahil maski raw sobrang busy ang schedule nila ay nagawa pa rin nilang mag-guest sa Be Careful With My Heart.

Tungkol naman sa pagtatapos ng BCWMH sa Nob. 28 ay ano ang pakiramdam niya? “Malungkot po talaga and at the same time, naging thankful din talaga ako sa Be Careful sa mga oportunidad na nagawa sa career namin ng lahat ng nandito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Jodi, “Nakaka-miss talaga for two years na ito ang ginagawa ko na every morning when I wake-up going to taping, then go home. Medyo may pagbabago lang na kailangang i-adjust.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending