Daniel sa Utol: Hayaan na…hindi tayo ang mapupunta sa Impiyerno!
Personal na nagbenta ng tickets noong Lunes ng hapon si Daniel Padilla sa Araneta Coliseum para sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 na mapapanood na sa Linggo, Set. 28.
Si Daniel ang interpreter ng awiting “Simpleng Tulad Mo” na sinulat ni MJ Magno. Aminadong kabado, pero gagawin daw niya ang lahat ng makakaya niya para sa nasabing pakontes dahil halos lahat ng makakalaban niya ay certified singers tulad nina Jed Madela, Jessa Zaragoza, Jovit Baldivino, Juris, Morissette Amon, Jugs and Teddy, Bugoy Drillon, Ebe Dancel at Abra, KZ Tandingan, Marion Aunor at Angeline Quinto.
Kasama rin ang mga baguhang sina Michael Pangilinan, Janella Salvador at Hazal Faith dela Cruz. Ayon sa mga taga-Ticketnet ng Araneta ay marami naman daw bumili ng tickets nang makita nila si Daniel.
Samantala, inilabas namin dito sa BANDERA ang ginawang pagtatanggol kay Daniel ng kanyang mama na si Karla Estrada tungkol sa audio/video scandal na naging dahilan kaya nagkaroon ng gusot ang binata at ang reel/real girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.
Hindi naman itinanggi ni Daniel na naapektuhan siya sa nangyaring ito dahil pakiramdam niya ay naisahan siya ng itinuring niyang kaibigan, “Isipin na lang natin na may mga taong may mas malalalim na problema.
Nagpapasalamat ako sa Diyos at binigyan niya ako ng ganitong problema at least, e, talagang tumatag ako lalo. “Ipagdadasal, lalong lumakas ‘yung faith ko sa Diyos, nagpapasalamat ako dahil natututo ka sa pagkakamali,” pahayag ng batang aktor tungkol sa ginawa sa kanya ng isang kaibigan.
Maging ang kapatid daw ni Daniel na si JC ay napikon sa nasabing isyu dahil pati ang nanay nila ay binabastos na, “Sabi ko nga, hayaan mo na Jayz, hindi naman tayo ang mapupunta sa impiyerno.”
Aminado si Daniel na naapektuhan din si Kathryn sa nangyari at napansin ito sa mahigpit nilang yakapan sa ginanap na Bench The Naked Truth fashion show kamakailan.
“Oo naman, alam naman nating talagang nalungkot si Kathryn dahil misunderstanding, eh. In-explain ko na lahat, naintindihan niya naman at ‘yung yakap na ‘yun, e, pagpapasalamat na pinatawad niya ako at talagang kami ay back to normal kaya masayang-masaya ako.
Wala, eh, doon lang ako nagkamali, lalaki, ako, eh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.