Derek walang paki sa P45-M na ibabayad sa dating asawa: Basta para sa anak ko! | Bandera

Derek walang paki sa P45-M na ibabayad sa dating asawa: Basta para sa anak ko!

Reggee Bonoan |September 24,2014
facebook
share this

Derek walang paki sa P45-M na ibabayad sa dating asawa: Basta para sa anak ko!

Reggee Bonoan - September 24, 2014 - 03:00 AM

derek ramsay
NAGLABAS ng sama ng loob ang Kapatid TV host-actor na si Derek Ramsay sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon, partikular ang kaso nila ng dating asawang si Mary Christine Jolly.

Naging emosyonal si Derek sa interbyu ng entertainment media sa kanya pagkatapos ng question and portion sa presscon ng The Amazing Race Philippines Season Two.

Kung dati ay ayaw pa niyang pag-usapan ang tungkol sa kaso, hindi na niya napigilan ang sarili sa paglabas ng tunay niyang saloobin. “It’s difficult, it’s really difficult, but I have to be strong.

In time, I know maayos din,” malungkot na sabi ng aktor. At dahil nagkita sila kamakailan ng anak niyang si Austin ay nakapag-bonding ba sila?

“Yes, not enough, even though it’s in the contract na I have my visitation rights, she (Christine Joy) didn’t allow me to exercise my visitation rights, I only saw him four times in three years,” pagtatapat ng tatay ni Austin na 11 years old na ngayon.

Tinanong ang race master ng The Amazing Race kung ano na ang final na napag-usapan nila ng asawa tungkol sa anak nila, “The thing is pabagu-bago ang ano nila (gusto), hindi ko na maintindihan, lagi na lang nababago, so the first affidavit, emotional and financial, their reply affidavit, I’m a rapist.

Now, it’s physical. “So, hindi ko maintindihan, lagi na lang nagbabago, laging nagbabago ang lawyers, wala na akong pakialam sa lawyers nila, wala na akong pakialam sa affidavit nila, basta ako, I promised my son that we’re gonna spend more time together,” say ng nangungulilang ama.

Ngayong Huwebes pa raw malalaman ni Derek ang resulta ng closed-door meeting nila ng ina ng kanyang anak. Ano naman ang reaksyon niya sa sulat daw ng kanyang anak na nagsabing gusto siya nitong ipakulong, “I don’t believe! I don’t believe that he wrote that, but I ask my son kung siya ang nagsulat no’n and you meant it, and when he said ‘yes’ I kept my mouth shut for the rest of the meeting.

So sabi ko ano pa ang magagawa natin para maayos na ‘to. Wala akong pakialam linisin pangalan ko, wala akong pakialam sa career ko, I just want to spend time with my boy,” say ni Derek.

Natanong din kung ano ang naging reaksyon ni Derek ng muli niyang makita ang anak niya? “That was the 5th time I see my boy, my son in three years.

So the 5th time in three years, hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano ang experience that he had to see,” say ng aktor.
Nang huli silang magkitang mag-ama, “He calls me dad and he said the last time we saw each other was the best time of his life.

I asked him about it during the meeting, he said, ‘no, I didn’t call you dad, I hate you’. Sa tingin ba ni Derek ay na-brainwash ang anak niya? “I don’t want to say anything about that.

I’m not into anything negative about the mom,” sangga ni Derek. At tungkol naman sa P45 million na hinihingi ng asawa bilang lump sum para sa sustento kay Austin, “P45 million, P48 million I don’t care about what she’s asking for,” say ng aktor.

Ano sa tingin ni Derek ang katapusan ng legal battle nila ni Chrsitine Jolly, “Definitely I want to spend time with my son, I’ll do whatever it takes.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natanong din siya tungkol sa kanyang ex-girlfriends na sina Cristine Reyes, Solenn Heussaff at Angelica Panganiban, na idadamay din daw sa kaso niya, “Why is she  doing that, for what reason? I’ve given up so many times to her demands, I think it’s about time that I fight.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending