Cherry Pie sinisisi ng netizens sa pagkamatay ng ina | Bandera

Cherry Pie sinisisi ng netizens sa pagkamatay ng ina

Reggee Bonoan - September 21, 2014 - 03:00 AM

cherry pie
Nabulaga kami sa pahabol na balita ng TV Patrol noong Biyernes ng gabi habang ipinapalabas ang mga nasalanta ng bagyong Mario. Hinabol nila ang pagkamatay ng nanay ng aktres na si Cherry Pie Picache.

Natagpuang wala ng buhay si Mrs. Zenaida Sison sa sarili nitong bahay sa may Scout Lascano, Barangay Paligsahan, Quezon City na tadtad ng saksak.

Bakit ba kasi mag-isa lang si Gng. Zenaida na edad 75 na sa kanyang malaking bahay? Bakit wala siyang kasamang mga anak, sa edad nito ngayon ay talagang delikado na para sa kanya ang mag-isa.

Nabalita rin na limang tao lang ang nakakapasok sa bahay ng biktima, tatlong tagalinis ng bahay at dalawang hardinero.
Mukhang si Cherry Pie ang parating kausap ng ina kaya bigla itong nag-alala nang hindi na ito sumasagot sa cellphone.

Wala kaming alam na karelasyon ngayon ang aktres kaya bakit hindi niya sinasamahan ang nanay niyang may edad na?
Actually, bossing Ervin ito rin ang naririnig naming tanong ng netizens na nakapanood ng balita, bakit nag-iisa ang matanda sa bahay? Nasaan ang mga anak nito o si Cherry Pie?

Ang hirap kayang mag-isa lang sa bahay lalo na sa bandang Scout area na madilim ang ilang kalye at matataas ang bakod kaya hindi mo maririnig kung may nangyayari na sa kapitbahay at pakiwari namin ay parang dedma lang ang neighborhood.

Hanggang ngayon ay nasa state of shock pa rin si Cherry Pie kaya hindi pa siya nakakausap hanggang kahapon. Mula rito sa BANDERA ay nakikiramay po kami sa mga naulila ni Gng. Zenaida Sison.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending