Zanjoe, KC baka mamatay sa sobrang selos dahil sa Love Scene nina Bea at Paulo
SINO kaya kina direk Trina Dayrit at Jerome Pobocan ang nagdirek ng love scene nina Bea Alonzo at Paulo Avelino para sa seryeng Sana Bukas Pa Ang Kahapon na umere noong Biyernes dahil ang ganda-ganda at napaka-passionate ng kuha at talagang naalagaan ng husto ang aktres.
Habang pinapanood namin ang nasabing eksena ay sina Zanjoe Marudo at KC Concepcion ang pumasok sa isipan namin, hindi kaya sila magselos sa napakagandang love scene ng kani-kanilang partner sa buhay.
Akala namin ay kami lang ang nakaisip ng ganu’n, hindi pala dahil halos lahat ng nakausap namin kasama na ang mga kaibigan naming nasa Amerika ay sina Zanjoe at KC din ang tinatanong sa amin.
In fairness, napakaingat din ni Paulo sa eksena nila ni Bea, siguradong inalagaan din niya ang kanyang leading lady sa mga intimate scenes nila.
Timing pa man din bossing Ervin na malamig ang panahon dahil sa bagyong Mario noong Biyernes kaya siguro nakatutok ang netizens sa serye kaya nag-trending ang nasabing episode ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Kaya ang tanong ng mga nakausap namin, may part two raw kaya ang love scene nina Bea at Paulo dahil nabitin daw sila, “Bagay sina Paulo at Bea, sayang,” ito ang sabi sa amin ng isang viewer.
Bakit naman sayang, e, matinong tao naman si Zanjoe kaya suwerte rin ni Bea. Kina KC at Paulo ka maaaring mapaisip kung pareho nilang good catch ang isa’t isa.
Natawa naman kami sa isang nag-react, “Ang kinis-kinis ni Paulo ‘no, hindi nagpatalo sa kakinisan ni Bea.” Oo nga, ang kinis-kinis ng aktor sa mga eksenang ‘yun – kutis baby nga raw sabi ng mga nakausap namin.
E, kasi naman may dermclinic ang ate niyang si Honey sa Baguio City na isa sa contestants sa reality show na I Do ni Judy Ann Santos.
Kaya paging Dreamscape Entertainment, wish ng viewers, sana raw may part two pa ang love scene nina Paulo at Bea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.