Nora: Ok kami ni Coco, anak ko rin ‘yun! | Bandera

Nora: Ok kami ni Coco, anak ko rin ‘yun!

Reggee Bonoan |September 19,2014
facebook
share this

Nora: Ok kami ni Coco, anak ko rin ‘yun!

Reggee Bonoan - September 19, 2014 - 03:00 AM

COCO MARTIN AT NORA AUNOR

COCO MARTIN AT NORA AUNOR

HINIHINTAY namin kung ano ang sagot ni Coco Martin sa sinabi ni Ms. Nora Aunor na okay na sila, wala na raw sama ng loob ang premyadong aktres sa bida ng Ikaw Lamang.

Sa nakaraang presscon ng “Dementia” ay tinanong namin si Ate Guy kung nagkaayos na sila ni Coco dahil nabanggit ng Superstar na malapit na ring ipalabas ang pelikula nilang “Padre de Pamilya”.

Ayon kay ate Guy ay nag-text sa kanya si Coco noon pa at humihingi ng sorry na para sa kanya ay okay na dahil anak din ang turing niya sa aktor. Sa susunod na buwan na ang showing ng pelikulang “Padre de Pamilya” na mismong ang aktor ang producer kasama ang manager niyang si Biboy Arboleda.

Malapit na pala ang showing nito pero bakit parang hindi pa pinaiingay ang pelikula? Matutuloy kaya ngayong Oktubre ang showing nito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending