Iza kay Zanjoe: Dati akala ko mayabang siya! | Bandera

Iza kay Zanjoe: Dati akala ko mayabang siya!

Reggee Bonoan |September 19,2014
facebook
share this

Iza kay Zanjoe: Dati akala ko mayabang siya!

Reggee Bonoan - September 19, 2014 - 03:00 AM

IZA CALZADO AT ZANJOE MARUDO

IZA CALZADO AT ZANJOE MARUDO

Puring-puri ni Iza Calzado ang mga co-stars niya sa horror film na “Maria Leonora Teresa” na sina Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria.

Pag-alala ng aktres, si Zanjoe raw ang unang nakatrabaho niyang Kapamilya actor noong lumipat siya sa ABS-CBN, ito’y nang magsama sila sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

“Dati kasi akala ko mayabang itong si Zanjoe noon pa. Pero nu’ng nakasama ko siya, lalo nasa movie na ito, ang bait niya. Ano lang tahimik, hindi siya kwento ng kwento unless na magtatanong ka. Ako kasi kwento ng kwento ng kwento,” lahad ni Iza.

Matagal na rin niyang gustong makatrabaho si Jodi, “Tabing Ilog pa lang, sobrang tagal na gusto ko na siyang makatrabaho. So nalagpasan niya lahat ng expectations ko, sa ugali, sa galing bilang artista. Pero I’m glad na na-inspire ko siya sa (healthy eating).”

Showing na ngayon sa mga sinehan ang “Maria Leonora Teresa” na idinirek ni Wenn Deramas under Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending