Pagbubuntis ni Cristine itinago sa pamilya, bawal pang umamin | Bandera

Pagbubuntis ni Cristine itinago sa pamilya, bawal pang umamin

Reggee Bonoan |September 16,2014
facebook
share this

Pagbubuntis ni Cristine itinago sa pamilya, bawal pang umamin

Reggee Bonoan - September 16, 2014 - 03:00 AM

cristine reyes
“TOTOONG buntis si Cristine Reyes!” Ito ang naghuhumiyaw na sabi sa amin ng isang taong nakakaalam ng tunay na kalagayan ngayon ng sexy actress.

Nabasa raw niya ang sinulat namin dito sa BANDERA kahapon ang tungkol sa pagde-deny ni Ara Mina na buntis ang kapatid niya sa foreigner boyfriend nito.

Sinulat namin kahapon na itinanggi ni Ara na buntis si Cristine nang makatsikahan namin sa FAB Bazaar noong Sabado.
Ito rin ang sinasabi ni Ara sa mga interview niya sa presscon ng Trenderas ng TV5 kamakailan na nagngangalang Heidi na kapatid nila ang buntis at hindi si Cristine.

Pagdidiin ng taong kausap namin, “Buntis talaga si AA, ayaw lang ipagsabi kasi may project siya ngayon sa ABS (CBN) gagawan pa ng paraan kung paano hangga’t hindi halata.”

Maitatago ba iyon kung hindi totoong buntis si AA? Sa madaling salita ay hindi nagsasabi ng totoo ang aktres sa pamilya niya particularly sa ate Ara niya? Hmmmm, sabagay, kung totoong hindi buntis si Cristine ay madaling sagutin ng, “hindi” sa interview niya during the premiere night ng “The Gifted” kaysa mag-walkout siya, tama ba bossing Ervin? (Tumpak na tumpak Reggs! As in! – Ed)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending