Kylie, Rayver di pwedeng maging magdyowa | Bandera

Kylie, Rayver di pwedeng maging magdyowa

Reggee Bonoan |September 16,2014
facebook
share this

Kylie, Rayver di pwedeng maging magdyowa

Reggee Bonoan - September 16, 2014 - 03:00 AM

rayver cruz

Natatawang ikinukuwento sa amin ng ilang katoto na kinikilig si Kylie Padilla kay Rayver Cruz kaya duda ng mga nakakakita ay may gusto ang dalaga ni Robin Padilla sa Kapamilya actor.

If ever na type nga ni Kylie si Rayver ay magkakaproblema rin kung sakaling maging sila dahil unang-una Muslim ang dalaga at Katoliko naman ang binata at imposibleng i-give up nito ang kanyang paniniwala.

Mas lalong imposibleng iwan ni Kylie ang mag-iba siya ng relihiyon dahil makakalaban naman niya ang buong pamilya niya. Balita rin namin ay crush ni Rayver si Kylie dahil sobrang bait, walang ere, kalog at higit sa lahat, sexy.

‘Yun nga lang, hanggang saan makakarating ang pagkagusto nila sa isa’t isa? Nabuo raw ang magandang tinginan ng dalawa sa pelikulang “Dilim” ng Regal Entertainment.

Malalaman namin kung seryoso pa rin sina Rayver at Kylie na gusto nila ang isa’t isa pag naipalabas na ang kanilang pelikula Oktubre 22.

Anyway, tiyak na boto si Robin kay Rayver kung sakaling seryoso si Kylie dahil bukod sa magalang, mabait at super gentleman ang aktor, ay responsable pa. ‘Yun lang, magiging malaking problema nila ang kanilang religion.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending