Nabuking: Dyowa ni Cristine may anak na; iniwan ang ka-live in | Bandera

Nabuking: Dyowa ni Cristine may anak na; iniwan ang ka-live in

Reggee Bonoan |September 15,2014
facebook
share this

Nabuking: Dyowa ni Cristine may anak na; iniwan ang ka-live in

Reggee Bonoan - September 15, 2014 - 03:00 AM


Ang ganda-ganda ngayon ni Ara Mina, hindi siya halatang buntis sa magiging panganay nila ni Bulacan Mayor Patrick Meneses.  Ayon kay Ara ay nakatakda siyang manganak ngayong Disyembre sa Cardinal Santos Hospital dahil naroon daw ang OB-Gynecologist niya.

Sina Ara pala ang organizer ng FAB Bazaar sa may Metro Tent, Metrowalk kasama sina Melissa Ricks at isang non-showbiz friend na ayon sa aktres ay ito ang pinagkakaabalahan niya habang walang masyadong TV at movie projects.

Pero bago nagbuntis si Ara ay nakapag-taping na siya ng seryeng Trenderas sa TV5, “Kasama ako sa Tienderas, ipalalabas na bukas (kahapon), so ‘yun lang ang serye ko muna for now, tapos heto bazaar muna,” say ng aktres ng makatsikahan namin sa FAB Bazaar habang namimili kami.

Mabenta ang mga paninda ni Ara na Pure Glow by Ara’s Secret na mga sabon, lotion, body scrub at kung anu-ano pa.Isa pang napansin naming binebenta ni Ara ay ang mga baked cookies daw niya na pinangalanan niyang Hazelberry, “Tikman ninyo, masarap ‘yan, gawa ko ‘yan at hindi ko tinipid ang ingredients.

Quaker oats ang gamit ko sa cookies, kaya espesyal.”  In fairness bossing Ervin, ang sarap ng cookies ni Ara, naubos na nga raw ‘yung red velvet niya kaya hindi namin natikman at ang mura lang ng benta niya, huh!

Bumili kami na ayaw sanang pabayaran talaga ni Ara, pero nagpumilit kami dahil sabi namin, business is business. Kaya habang naglilibot kami sa buong FAB Bazaar ay ito ang kinakain namin.

Samantala, pagkapanganak na raw ni Ara sila pakakasal ni Mayor Patrick, “Siguro medyo palakihin ko ng konti pa si baby kasy breastfeeding ako at saka gusto ko namang sumeksi muna ‘no.

“Ayoko namang maging bride na mataba, siyempre gusto ko maganda ako kapag suot ko ang wedding-gown ko,” nakangiting sabi ng aktres.

Speaking of kasal ay natanong namin ang tungkol sa boyfriend ng kapatid niyang si Cristine Reyes na may plano na ring magpakasal sa karelasyon nitong martial arts-gym instructor.

Ang nasabing boyfriend ni AA ang nasulat namin na may ka-live in at dalawang anak na iniwan daw nito dahil para kay Cristine.

Paglilinaw ni Ara, “Ay mali, may ka-live in dati, pero walang anak at hiwalay na, pero totoong may anak na nasa ibang bansa, hindi na nakikita pa, matagal na.

Technically, hindi kasal ang lalaki, binata naman, so okay naman at mahal naman niya si Cristine.”  Sa madaling salita, single dad ang boyfriend ni AA.

At naikuwento rin ni  Ara na gusto na nga raw magkaanak ni Cristine, “Sabi ko, okay lang, magbuntis ka, e, di mas masaya kung tatlo tayo,” nakangiting say pa ni Ara.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang dami ng taong bumibili ng paninda ni Ara kaya nagpaalam na kami dahil ayaw naming makaistorbo sa negosyo niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending