Madlang pipol nabwisit sa kaartehan ni Kean | Bandera

Madlang pipol nabwisit sa kaartehan ni Kean

Reggee Bonoan - September 11, 2014 - 03:00 AM


Hindi nagustuhan ng mga nakapanood ang mga pa-cute na sagot ni Kean Cipriano kay Kris Aquino sa programang Aquino & Abunda Tonight noong Martes ng gabi ng tanungin siya tungkol sa real score sa kanila ni Alex Gonzaga.

Matagal na panahon na naming nasulat na nanligaw at nagpa-cute noon ang rakista sa bunso nina Mommy Pinty at Daddy Carlito Gonzaga. Ito ‘yung may serye pa sila sa TV5 na nalimutan na namin ang titulo pero idinirek ni Binibining Joyce Bernal.

Ang alam namin ay type rin ni Alex ang binatang singer, pero hinahadlangan naman ng magulang niya ng mga panahong iyon.
Bukod dito ay may nagkuwento rin sa amin na parating nag-uusap sa telepono sina Alex at Kean at nagkaroon nga sila ng understanding.

Kaya nakakapagtaka na nu’ng diretsong tinanong ni Kris si Kean kung nanligaw o naging sila ba ni Alex ay paliguy-ligoy ang sagot niya na hindi malaman kung sinasadya para mas humaba pa ang exposure niya.

Good thing at nasa mood si Kris nu’ng gabi ‘yun dahil kung hindi ay baka nabara na siya nito sa kaartehan niyang sumagot. Kilala naman natin si Kris, di ba?

Feeling guwapo si Kian ‘no bossing Ervin, lalo na kapag naka-shades. Bakit nga ba hindi niya suot ang shades niya sa AA?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending