Jessa hot mama pa rin; Jovit luminis ang boses | Bandera

Jessa hot mama pa rin; Jovit luminis ang boses

Reggee Bonoan - September 04, 2014 - 03:00 AM


TULAD ng naipangko namin kahapon, narito ang karugtong ng aming “review” sa iba pang entries sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 base na rin sa napanood naming music video ng mga ito sa ginanap na presscon kamakailan.

Nauna na naming nabanggit ang mga kantang in-interpret nina Angeline Quinto (Hanggang Kailan), KZ Tandingan (Mahal Ko O Mahal Ako), Bugoy Drilon (Umiiyak Ang Puso), Daniel Padilla (Simpleng Tulad Ko), Jed Madela (If You Don’t Want To Fail), Juris (Hindi Wala) at nina Abra at Ebe Dancel (Halik sa Hangin).

Tulad ng ibang entry, Birit-biritan din ang tema ng “Dito” ni Jovit Baldivino composed by Raizo Chabeldin and Blv de Vera na wala ring bago sa tono para sa amin. Walang ipinakitang something different si Jovit pero mas malinis ngayon ang timbre ng kanyang boses.

Ang ganda sa screen ng kumanta at nagsulat ng “Everything Takes Time” na si Hazel Faith dela Cruz na ang kuwento base sa music video na napanood namin ay tungkol sa isang babaeng nagmamadaling magdalaga.

Masaya ang tono ng kanta ng dalagang kasama pala sa seryeng Be Careful With My Heart bilang flight attendant-bestfriend ni Jodi Sta. Maria.  Sana nga mabigyan siya ng chance sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014 dahil may ‘K’ naman siya.

Ang ganda-ganda naman ng misis ni Dingdong Avanzado na si Jessa Zaragosa sa MTV niya sa awiting “Bumabalik Ang Nagdaan” na sinulat ni Sarah Jane Gandia dahil very fresh ito sa pandinig.

At sinong mag-aakalang may 10 taong gulang na anak na si Jessa na ang ganda-ganda pa rin ng katawan – napaka-sensual ng kanyang MTV. At panalo ang bath tub scene niya, ha! ‘Yun nga lang, puro close-up ang kuha ni Jessa, sayang ang ganda pa naman ng mga shots dahil glossy ang dating.

Isa pang birit-biritan din ay ang awiting “Akin Ka Na Lang” na kinanta ni Morissette Amon at sinulat ni Kiko Salazar na sa totoo lang, wala ring recall sa amin dahil siguro iisa ang tono para sa amin ang mga ganitong klase ng melody?

Samantala, agaw pansin talaga ang music video ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” na sinulat ni Joven Tan na ginawa ng mga estudyante ng University of the Philippines dahil habang ipinapakita ito sa presscon ay walang tigil ang hiyawan ng audience sa Dolphy Theater.

Marami raw kasing nakaka-relate.Nagustuhan namin ang music video dahil bukod sa sobrang linaw ay may kuwento ang kanta at maraming interaksyong nangyayari. Ang ganda rin ng interpretation ni Michael Pangilinan na suwabeng-suwabe ang boses, mala-Ariel Rivera ang dating.

Cute naman ang music video ng “Pumapag-Ibig” ni Marion Aunor na sinulat ni Jungee Marcelo dahil nakakaindak at nakaka-LSS na ang kuwento ay nag-umpisa sa ligawan hanggang sa naging sila sa ending.

Sabi nga ni Mr. Jungee ay wala siyang maisip na malungkot na kanta dahil sobrang masaya sila ng misis niya.  Oo nga naman.
Tawa naman kami nang tawa sa awitin ni Janella Salvador na “Mahal Kita” na sinulat ni Melchora Mabilog dahil parang shampoo commercial lang ang peg ng MTV, lalo na nu’ng nagsayaw siya sa isang field kasama ang mga kaklase. Okay lang din ang kanta, pero parang pang-hayskul.

Ang “Walang Basagan Ng Trip” nina Jugs at Teddy na sinulat ni Eric de Leon ay hindi love song ang dating sa amin kaya nagtaka kami kung paano ito napasama sa listahan ng finalists.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sabi nga ng kanta, “Kung may tanong kayo, basahin n’yo na lang ang lyrics, walang basagan ng trip!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending