Jessy wala raw utang na loob, kaya minamalas ang career | Bandera

Jessy wala raw utang na loob, kaya minamalas ang career

Alex Brosas |September 03,2014
facebook
share this

Jessy wala raw utang na loob, kaya minamalas ang career

Alex Brosas - September 03, 2014 - 03:00 AM


JESSY Mendiola is said to be walang utang na loob. Masama raw ang loob ng discoverer niya dahil dinededma na raw niya ito ngayon. Mukhang ayaw raw makita ni Jessy ang baklitang nagdala sa kanya sa ABS-CBN at nagtiyaga sa kanyang ilako siya sa mga network.

Bakit naman kaya ganito ang attitude ngayon ni Jessy? Anyway, marami raw ang natutuwa na frozen delight ang beauty ng aktres dahil feeling big star na raw ito ngayon.

Matapos ang sunud-sunod na flop na teleserye ay tila pinagpahinga siya muna ng Dos. Ano ba ang project ni Jessy ngayon? Parang wala nga. Last Saturday lang siya uli napanood sa isang episode of Maalaala Mo Kaya where she played a nun.

Kasi naman, product lang siya ng hype. Wala pa rin siyang binatbat sa acting. Hindi pa rin niya kayang makipagsabayan sa mga magagaling niyang co-star, madalas ay nilalamon lang siya ng mga ito sa mga eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending