Boy magaling na, pero programa sa ABS-CBN kailangan nang iwan | Bandera

Boy magaling na, pero programa sa ABS-CBN kailangan nang iwan

Reggee Bonoan |September 03,2014
facebook
share this

Boy magaling na, pero programa sa ABS-CBN kailangan nang iwan

Reggee Bonoan - September 03, 2014 - 03:00 AM


BALIK-TAPING na sa Bottomline si Boy Abunda sa susunod na linggo, ayon sa isang staff ng nasabing programa.
Nabalitang magbabawas ng load si kuya Boy dahil hindi na niya kakayanin pa ang mapagod nang husto kaya’t tinanong namin ang staff ng Bottomline kung isa ba ang nasabing talk show sa iiwan ng King of Talk.

“It’s not true!  Nakakausap na namin siya and he’s ready to tape next week, not this week. Tinanong namin kung kaya na niya, okay na raw. “Kasi kami we’re ready naman to shoot maski wala si kuya Boy, maski docu muna, e, sabi naman ni kuya Boy, he’s okay na, konting pahinga lang,” sabi pa sa amin.

Sa madaling salita, either The Buzz  or Aquino & Abunda Tonight ang kailangang iwan ng TV host? “That I do not know, I’m talking about Bottomline lang, ‘yun lang ang napag-usapan, hindi na kami nagtanong about the other programs,” katwiran sa amin.

Well, kung sakaling isa sa The Buzz o Aquino & Abunda Tonight ang iiwan ni kuya Boy ay wala kaming maisip as of now kung sino ang perfect na pwedeng papalit sa kanya lalo’t s Kuya Boy lang ang kilala naming kayang sabayan ang kadaldalan kaprangkahan ni Kris Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending