OFWs mas boto kay Kim para kay Coco, ayaw kay KC | Bandera

OFWs mas boto kay Kim para kay Coco, ayaw kay KC

Reggee Bonoan |September 01,2014
facebook
share this

OFWs mas boto kay Kim para kay Coco, ayaw kay KC

Reggee Bonoan - September 01, 2014 - 03:00 AM


Marami talaga ang nag-aabang ng Ikaw Lamang sa ibang bansa lalo na ang supporters ni Coco Martin dahil bawa’t galaw niya ay inaalam ng mga ito kaya kung may mabalitaan silang nililigawan ang aktor ay nakikibalita kaagad dito sa Pilipinas.

Katulad kahapon, ang aga-aga kaming kinulit ng mga pinsan, kaibigan at kaibigan ng mga kaibigan namin sa tanong na, “Coco and KC are dating?”  Nabasa raw nila na lumalabas ang dalawang bida ng Ikaw Lamang at nag-date nang silang dalawa lang.

Sabi namin ay imposibleng mangyari iyon kasi sa pagkakaalam namin ay walang panahon si Coco na lumabas o gumimik at higit sa lahat, di ba “taken” na si KC?

Kaya nag-research kami kung totoong nag-date na sina Coco at KC at tama ang feeling namin, false alarm. May nagsulat kasi tungkol dito, tinanong daw si Coco kung totoong lumalabas na sila ng anak ni Megastar Sharon Cuneta at sinabi nga ng aktor na hindi pa, pero sana raw matuloy.

Tinanong din daw si Coco kung posibleng ma-develop siya kay KC, ang sagot daw ng aktor, “Siguro, masyado pang maaga para sabihin ’yun. Pero ngayon, sabi ko nga, napakasarap niyang katrabaho and then, naglu-look forward ako na sana, maging magkaibigan talaga kami.”

Ipinorwad namin ang sinabi ni Coco sa mga nangungulit sa amin at sabay-sabay silang sumagot ng, “Good, kasi mas bagay sina Coco at Kim (Chiu), saka di ba si KC kay Paulo Avelino na?”

So, mas boto pala ang mga taga-ibang bansang supporters ni Coco kay Kim.  E, type ba ng dalaga ang morenong aktor? Kasi sa huling panayam kay Coco, sinabi nitong parang magkapatid ang turingan nila ngayon sa isa’t isa, at totoong mas naging close pa sila ngayon dahil sa pagkakaroon ng book 2 ng Ikaw Lamang.

Pero sabi nga, hindi natin kontrolado ang mga nangyayari sa buhay natin kaya posibleng matupad ang kagustuhan ng mga fans nina Coco at Kim na magkatuluyan sila.

Samantala, patuloy na tutukan ang master seryeng Ikaw Lamang, Lunes hanggang Biyernes, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng Hawak Kamay. Kasama rin dito ang mga premyadong veteran stars, sina Boyet de Leon, Amy Austria, Rio Locsin, Joel Torre at marami pang iba.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending