Tanong ng madlang pipol: Nakatulong ba si Sharon sa pag-angat ng TV5?
Hatinggabi noong Biyernes ng gabi ay may mag-text sa aming wala na si Sharon Cuneta sa TV5 dahil nag-post daw ito sa kanyang Twitter account. Sabi ni Mega, “I am going to drop clues every now and then as to the things I will be working on which will start sooner than you think!
“So keep watching out for those clues. 🙂 Goodnight, everyone! Sweet dreams and May God bless you always! In the meantime, I leave you with this BIG announcement,” sey pa ni Sharon.
Binalikan namin ng tanong ang nag-text kung bakit umalis ang aktres-TV host pero hindi kami sinagot. Kaya kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito ay tinawagan namin si Ms. Peachy Vival-Guioguio, head ng Corporate Communication ng TV5, “Hi, Reggs, ano tanong mo?”
Diretsong tanong namin, hanggang kailan ang kontrata ni Sharon sa TV5, “Di ba 5 years ‘yun? Last 2011 lang siya nag-sign so, til 2016 pa dapat. Technically, nakaka-3 years palang siya,” sagot sa amin.
So, paano ang natitirang dalawang taon, iba-buy out ba ito ni Mega? “Actually, Reggs, I have no idea kasi legal ang may hawak diyan. Sila ang may desisyon and I’m not privy naman. Hindi ko pa alam talaga kung paano ‘yun,” say ni Peachy.
Sabi namin kay Peachy na base sa obserbasyon namin ay tila hindi naman natupad ang mga programang gagawin ni Sharon sa TV5 base na rin sa one billion talent fee nito, “Hindi ko rin alam kung ano ang nasa kontrata ni Sharon, wala rin akong idea kung nakasulat ba or something. O kung may sinabi ba kung ilan,” sagot sa amin.
Nakatulong ba si Sharon sa pag-angat ng TV5? “Ako ba ang sasagot, Reggs? Ikaw ang dapat sumagot sa tanong mo,” birong hamon sa amin ng TV5 executive.
Base sa pagkakaalam namin mula nang pumasok si Mega sa network ay maraming nawalan ng trabaho, nawala ang bonus ng mga empleyado kapag Pasko at higit sa lahat, nawala na ang Christmas Party sa mga empleyado dahil nagtitipid daw ang Kapatid network.
Ang sabi ng network, “TV5 wishes to extend its gratitude to Ms. Sharon Cuneta for being a part of the Kapatid network for almost three years. The network wishes her well in all her future endeavors.”
Humirit pa ulit kami ng tanong kay Peachy kung magkasundo ba sina Ms. Wilma Galvante at Mr. Bong Sta. Maria na dikit kay TV5 President Noel Lorenzana dahil may tsikang maraming programang pini-present si WVG during progcom na ayaw ni Mr. Bong.
Mabilis na pumalag si Peachy, “Oh, no! That’s not true Reggs, okay sila mam Wilma at Mr. Bong. Well, may say si Mr. Sta. Maria kasi siya ang Chief Content Auditor.”
Samantala, sinabi noon ni Ms. Wilma na malaki ang kinikita ng TV5 sa game shows kaya rito sila nagko-concentrate ngayon kaya siguro nakabawi ng lugi. Ieere rin ng live ng TV5 ang laban ng Gilas Pilipinas sa ibang bansa.
Musta naman ang mga programang umeere ngayon sa Kapatid network? “Well, okay naman lahat, Ang Talentadong Pinoy is doing okay, ‘yung iba hindi pa naman umeere like the Trenderas, will see pa,” say pa ni Peachy sa amin.
( Photo credit to sharon cuneta official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.