Matteo: Gusto ko ring makitang magkahalikan sina Sarah at John Lloyd! | Bandera

Matteo: Gusto ko ring makitang magkahalikan sina Sarah at John Lloyd!

Reggee Bonoan - August 17, 2014 - 03:00 AM


SA wakas ay may kasagutan na ang mga balitang narinig namin na hindi na si Jojie Dingcong ang manager ni Matteo Guidicelli.
Ayon mismo kay Matteo nang diretso naming tanungin pagkatapos ng presscon ng latest movie niyang “Somebody To Love” under Regal Films, maayos silang nagkausap ng talent manager.

“I’m with Star Magic, siyempre before I’m with kuya Jojie and ABS-CBN Star Magic now. Kuya Jojie naman is always with me since I was a little kid, so kuya Jojie will always be there, he’s my consultant na, everything’s okay,” pag-amin ng aktor.

May problema ba ang manager niya at ang ABS-CBN kaya solo na siyang inaalagaan ng Star Magic? “Ay wala po pinag-usapan na po namin lahat with the family and kuya Jojie and everybody.

It’s nobody’s hurt and nothing…it’s just a move, just to keep moving forward. “Jojie understands everything, I love kuya Jojie and he’s been there before when I was 14 years old.

You know, I’m brought up to be a loyal person, I don’t like forgetting people, so kuya Jojie is always there being my life and always been in my career,” paliwanag pa ng aktor.

Kaya sa lahat ng decision making ni Matteo ay parte pa rin si Jojie maski hindi na siya ang manager, “Of course, he’s been with me since 14 years old.”

Siyempre, tinanong din namin ang binata tungkol sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo, lalo na ang isyung nagkaroon sila ng away kamakailan. “Siyempre, love is not easy.

There’s always an obstacle, there’s always challenges. Patuloy ‘yan palagi. Ipaglaban lang natin lahat palagi,” paliwanag ng aktor.

Kaya nga raw ayaw na ayaw ni Matt masyadong pag-usapan ang relasyon nila ni Sarah dahil ayaw niyang masabihang ginagamit niya ang singer-actress.

“Unang-una po kaya ayaw ko pag-usapan ‘yung relationship namin at sana po hindi kayo ma-offend, hindi ko kasi talaga gusto na palabasing ginagamit ko si Sarah sa promo ng pelikula ko, ayaw ko talaga.

“I don’t really want to talk about her sa The Buzz but it’s my first time to ask in TV, so I answered. As much as possible, I don’t wanna speak about her or answer situation like this because I want to promote my films,” diin pa ng aktor.

Dagdag pa nito, “Bago palang ‘yung relationship so we want the relationship to…make it stronger and make it grow, I don’t wanna lose this relationship so I want to be very careful dahil alam naman po natin sa showbiz na mahirap…to keep the relationship stable, di ba? Maraming intriga, maraming issues, so para iwasan na lang muna.”

May kissing scene si Matt kay Isabelle Daza sa “Somebody To Love”, okay lang ba sa kanya na magkaroon din ng halikan si Sarah sa kanyang susunod na mga pelikula?

“Sabi ko nga, masaya ako kapag makita ko silang mag-kissing scene ni John Lloyd (Cruz), di ba? I’m a fan of their films,” napangiting sabi ng aktor.

Paano kung isa sa ex-boyfriend ni Sarah (Gerald Anderson at Rayver Cruz) ang makaka-kissing scene ng kanyang girlfriend?
Napatingin muna sa amin si Matt at sabay sabing, “Sino bang ex niya?

Wala, wala namang problema, pelikula ‘yan, di ba? Trabaho lang ‘yan, this is an art that we love, so I respect what she wants to do and what she will do and she loves doing, so I’m not stopping her for what she loves doing.”

Kaya ang sumunod na tanong namin ay kung selosong boyfriend ba siya, “Ha-hahaha! Minsan, minsan po,” tumatawang sabi ng aktor. Selosang girlfriend ba si Sarah, “Minsan din po. Ha-hahaha!” tumawang sagot ulit ng guwapong aktor.

Kanino nagselos ang Pop Princess? “Nakalimutan ko na po, sa totoo lang, I get jealous at normal naman sa isang relationship lalo na kapag maganda ang girlfriend mo, I’m confident naman po with Sarah, trusted naman,” tila kinikilig na sabi ng aktor.

Paano ba siya magselo? “Tampo-tampo tayo ng konti, parang bata,” natatawang kuwento ng binata. Kaya ba niyang manakit ng girlfriend kapag nagseselos siya? “Ay no! Never, A woman is like a diamond, if you’re a true gentleman, you really speak to the person properly.”

Samantala, noon pa crush ni Matt si Sarah, noong nagkita sila sa Cebu limang taon na ang nakararaan at hindi niya sukat akalain na ang super crush niyang iyon ay magiging girlfriend pala niya kaya ganu’n na lang ang saya ng aktor.

Ano naman ang masasabi ni Matt sa sinabi ni Sarah na bago siya tumuntong ng 30 ay magpapakasal na siya, “Me also. Ha-hahaha!” sagot ng binata.

Posibleng magpakasal na nga sila bago sila mag-treinta? “Let’s ask the Lord, please pray for me, we’ll see, tingnan natin,” masayang sabi ni Matt.

Bakit “pray for you”, sundot namin sa aktor? “Siyempre we all need prayers in our lives di ba, think something positive, keep loving, never stop loving.”

Samantala, challenging at daring ang role ni Matteo sa pelikulang “Somebody To Love”, friends with benefits ang drama nila ni Isabelle Daza. Mapapanood na ito sa Agosto 20 mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes under Regal Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending